Monday, January 13, 2025

DAGDAG KONTRIBUSYON, DAGDAG PROBLEMA? Pimentel, Binatikos SSS Hike

9

DAGDAG KONTRIBUSYON, DAGDAG PROBLEMA? Pimentel, Binatikos SSS Hike

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sang-ayon si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na huwag munang ipatupad ang planong pagtaas ng Social Security System (SSS) contribution rate mula 14 percent hanggang 15 percent, sa kadahilanang hindi nasisigurong ang mga SSS members ang makikinabang sa dagdag kontribusyon. 

Matatandaang umalma ang mga pribadong guro sa mas mataas na contribution rate at sinabing dagdag pasanin lamang ito sa kanilang maliit na take-home pay sa kabila ng mataas na presyo ng bilihin.

Ani Pimentel, sang-ayon siya sa pag-alma ng mga guro dahil ang pagtaas ng premium sa SSS ay hindi naman nagreresulta sa pagtaas ng benepisyo ng mga miyembro. 

Hinikayat din niya ang pamunuan ng ahensya na maging bukas sa publiko lalo na sa usapin ng bonuses na ibinibigay sa mga opisyal nito.

“SSS should be fully transparent on the bonuses that they give to their bigwigs. The performance of the board as well as the funds must be audited and assessed — judged by the members themselves,” ayon sa mambabatas.

Si dating SSS chief Rolando Macasaet ang unang nanawagan ng pansamantalang pagsuspinde sa mas mataas na kontribusyon. Ayon sa kanya, umabot sa P80 bilyon ang kita ng ahensya noong 2023 at mahigit P100 bilyon ngayong 2024.

Ang pagtaas ng kontribusyon ay alinsunod sa Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018, na nag-uutos ng pagtaas ng contribution rate tuwing dalawang taon hanggang sa huling pagtaas sa 2025.

Noong 2019, itinakda ang kontribusyon sa 12 percent, tumaas ito sa 13 percent noong 2021, at naging 14 percent noong 2023. Ngayong 2025, inaasahang magiging 15 percent ito, kung saan 10 percent ang sasagutin ng employer at 5 percent naman mula sa empleyado. 

Photo credit: Facebook/pnagovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila