Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang South Commuter Railway Project (SCRP) sa ilalim ng North-South Commuter Railway (NSCR) System ay nakatakdang lumikha ng humigit-kumulang 3,000 na oportunidad sa trabaho.
Ang anunsyo ginawa niya sa contract signing ng SCRP’s Contract Packages S-01, S-03A, at S-03C sa Malacañan Palace.
“Now, as we hold the signing of Contract Packages S-01, S-03A, and S-03C, we continue to show the commitment to realizing the dream of a more efficient and inclusive public transportation system that every Filipino deserves,” pagbibigay-diin ni Marcos.
Ang paglagda sa tatlong contact packages, na sumasaklaw sa kabuuang humigit-kumulang 14.9 kilometro ng at-grade at railway viaduct structures, ay makatutulong sa layunin ng pamahalaan na maglingkod sa humigit-kumulang 800,000 commuter araw-araw sa loob ng susunod na anim na taon.
“I am also happy to note that we are anticipating the generation of approximately 3,000 jobs once civil works for these sections begin,” pahayag ng Pangulo.
Ang 3,000 na oportunidad sa trabaho ay magbibigay ng higit na kinakailangang tulong sa ekonomiya at pagpapabuti ng kabuhayan ng maraming indibidwal.
Gayunpaman, aminado si Marcos na ang pagtatayo ng NSCR system ay maaaring magdulot ng mga hamon at makaapekto sa mga informal settler families.
“So, we are continuously conscious in the national government and of course the local governments to ensure that those needing assistance are attended to,” pagtitiyak niya.
“These are the inevitable consequences of these large projects, but it is something that we have to go through if we are going to complete the projects as they have been designed and we will – to be able to reap the benefits in the longer term.”
Kaugnay ng napakalaking gawaing ito, nanawagan ang Pangulo para sa pagtutulungan ng lahat ng kinauukulang ahensya at stakeholder upang tugunan ang mga potensyal na hamon na maaaring lumitaw sa pagsisimula ng mga gawaing sibil para sa railway project.
“I know that it is our collective longing to create a society that works for the people and that will open bigger opportunities for our children. So, let us all remain united in this endeavor as we pursue initiatives with the long-term end in mind,” paghihimok niya.
“We look at these contract packages with great optimism and renewed hope for our country’s future.
Sa pagpapahayag ng kanyang pasasalamat, ipinaabot ni Marcos ang kanyang pagpapahalaga sa Asian Development Bank at sa Japan International Cooperation Agency para sa kanilang aktibong partnership, na naging posible sa proyekto.