Inihain ni Cotabato Rep. Alana Samantha Taliño Santos ang panukalang batas na layong magbigay ng dalawang araw na menstruation leave kada buwan sa na may 50 porsyentong renumeration sa mga kababaihang empleyado sa publiko at pribadong sektor.
Sa nasabing panukala, binanggit niya na ang epekto ng menstruation sa kababaihan at lipunan ay madalas na naisasantabi.
“On average, women lose about 2 to 4 tablespoons of blood during each period. In terms of pads or tampons, that means changing them out every 2 hours or more. Heavy bleeding and painful cramps are also common side effects which affect a woman’s productivity at work,” sinabi ni Santos.
Nakalagay sa House Bill 6728 na ang bawat babaeng empleyado, bukod sa mga buntis at menopausal na kababaihan, ay dapat may monthly menstruation leave na aabot ng dalawang araw na may pay equivalent na 50 percent ng pang-araw-araw na sahod.
Isinaad rin ni Santos na ayon sa pag-aaral ng British United Provident Association Limited, 23 percent ng kababaihan ay hindi makapasok ng trabaho dahil sa menstruation sa huling anim na buwan.
“The enactment of this bill will allow women to attend to the hormonal and physiological difficulties that they have to endure at least on a monthly basis. Menstrual symptoms are not something that can be ignored—for some women the pain can be debilitating and the ability to focus on work all but vanishes,” aniya.
Nabanggit rin ni Santos na ang konsepto ng menstrual leave benefit ay hindi bago. May menstrual leave ang mga babaeng empleyado sa Japan, South Korea, Taiwan, Indonesia, at Zambia.
Ipinatupad rin ng provincial government ng La Union ang isang executive order na nagbibigay ng dalawang araw na work-from-home benefit bawat buwan bilang menstruation privilege para sa mga babaeng empleyado sa lalawigan.
Photo credit: Philippine News Agency Official Website