Monday, January 20, 2025

Dapat Fair! Sen. Imee Nanawagan Ng Patas Na Pagbabantay Sa EEZ, Airspace Ng Pinas

0

Dapat Fair! Sen. Imee Nanawagan Ng Patas Na Pagbabantay Sa EEZ, Airspace Ng Pinas

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Senador Imee Marcos ng patas na pagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas matapos mamataan ang mga C-17 Globemaster ng United States Air Force kamakailan  sa Maynila at Palawan.

Kinuwestiyon niya ang mga panibagong presensya ng military plane na hindi nai-coordinate ng mga flight planner ng US sa mga ground handler ng paliparan ng Maynila, ito ay matapos maglabas ng statement ukol rito ang Senate Committee on Foreign Relations na pinamumunuan niya.

Nakita ang isang US Air Force C-17 sa global flight tracker ng AirNav systems, may flight code ito na MC244 / RCH244 at lumapag sa Maynila bandang 6:03 ng umaga noong Biyernes. Ito ay nagmula pa sa Andersen Air Force Base sa Guam, at lumipad patungo sa Palawan bago mag ala-una ng hapon saka dumiretso sa Yokota Air Base sa lungosd ng Fussa, Japan bandang hapon. 

Sa kabila ng madalas na pagkawala ng signal ng eroplano habang bumabyahe ito, nairecord ng flight tracker na Flightradar 24 ang pag-alis nito mula sa Palawan bago mag alas-kwatro ng hapon (Manila time), at ang pagdating nito sa Yokota bandang 9:30 ng gabi (Japan time). 

Nakita sa flight route nito mula Palawan ang pagdaan nito sa ibabaw ng Pampanga, Cagayan, at sa silangang baybayin ng Batanes at Taiwan bago tuluyang lumapag sa Yokota Air Base.

Napansin din ng mga pasahero ng mga commercial flights paalis at papunta sa Ninoy Aquino International Airport ang dalawang US military plane malapit sa runway, nakuhaan nila ito ng litrato at ibinahagi sa opisina ng senador. 

Isa pang C-17 na may flight code na RCH323 ang umalis ng Tokyo noong Biyernes ng gabi at namataan sa hilaga ng Busuanga lampas alas-diyes ng umaga noong sabado. Ngunit hindi ito nasubaybayan hanggang hapon at nakita na lamang ito na patungo na sa isla ng Polillo bago makalabas ng teritoryo ng Pilipinas lampas ala-sais ng gabi. 

“Konti lamang ang nakakaalam sa isinasagawang U.S. military activity sa ating teritoryo habang patuloy naman nating pinupuna ang presensya ng mga barko ng China sa South China Sea,” pahayag ni Marcos.

“Alam kong may foreign military exercises ngayong buwan. Pero dapat maging patas ang pagsubaybay sa ating maritime territory at economic exclusive zone gayundin ang Philippine air traffic rules at joint military agreement natin sa U.S.”

Nanawagan siya sa mga opisyal ng militar, defense at foreign affairs ng Pilipinas na alamin kung pinalalala lamang ng mga sikretong paglipad sa bansa ng mga US military plane ang tensyonadong sitwasyon sa South China Sea at Taiwan Strait, at timbangin ang panganib na maaaring maidudulot nito sa kaligtasan ng publiko. 

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila