Ibinunyag ni International Criminal Court (ICC) lawyer Kristina Conti na maaring masangkot sa arrest warrant sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at Philippine National Police (PNP) former regional director Oscar Albayalde laban sa war on drugs noong administrasyon ni dating Presidente Rodrigo Duterte
Sa kanyang pahayag sa Philippine Star, ibinulgar ni Conti na sigurado ang ICC na mananagot si Digong sa sa war on drugs campaign noong kanyang rehimen.
“I can definitely say for sure one, former president Rodrigo Duterte. Everything started with him,” aniya.
Bukod pa rito, nabanggit din ni Conti na malaki ang posibilidad na dawit sina Dela Rosa at Albayalde sa nakaambang na warrant of arrest ng ICC dahil sa pagiging kontektado ng dalawa sa war on drugs.
“Individuals at the highest levels of command of the PNP were responsible for ordering, directing, and organizing the overall conduct of WoD operations in which a large part of the alleged crimes were committed. […] This includes the two PNP chiefs in charge of police operations during the relevant period, namely Ronald dela Rosa and his successor Oscar Albayalde.”
Dagdag pa ni Conti, nanguna si Dela Rosa sa pagpapatupad ng “Project Double Barrel” kung saan nakapaloob ang “Project Tokhang” at iba pang direktiba tungkol sa malawakang pagsugpo ng iligal na droga sa bansa kung saan ilang libong katao ang binawian ng buhay.
Nadawit din si Abayalde nang tahasang mangako ito sa taumbayan na ipagpapatuloy ang layunin ng nasabing gyera sa iligal na droga sa kanyang pag-upo bilang lider ng PNP noong 2018.
Bulalas pa ni Conti, sangkot umano ang dalawang opisyales dahil lumutang ang kanilang mga pangalan nang magkaroon ng imbestigasyon tungkol sa war on drugs noong 2021.
Ani ni Conti, sina Dela Rosa at Abayalde pa lamang sa kampo ni ex-president Duterte ang may posibilidad na masangkot sa ICC arrest of warrant ngunit tinitignan pa rin ang maaring iba pang sangkot tulad ni Vice President Sara Duterte.
“It depends on how the ICC will consider or appreciate their testimonies. There could be a summon for Sara Duterte to cooperate in the probe, at the minimum,” saad niya.