Wednesday, January 8, 2025

Dawit Sa POGO! Bamban Mayor Gou Pinaiimbestigahahan ni Sen. Gatchalian

616

Dawit Sa POGO! Bamban Mayor Gou Pinaiimbestigahahan ni Sen. Gatchalian

616

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nasasangkot ngayon ang pangalan ni Bamban Mayor Alice Guo sa mga aktibidad na may kaugnayan sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na nakabase sa Tarlac.

Ito ay base sa mga dokumentong nakuha ng tanggapan ni Senator Win Gatchalian tungkol sa isang Internet Gaming Licensee na ni-raid kamakailan dahil sa mga reklamo ng human trafficking at illegal detention.

Ang isang mahalagang dokumentong nakuha ng kampo ni Gatchalian ay isang Sangguniang Bayan Resolution mula Setyembre 2020, na nag-apruba sa aplikasyon noon ng pribadong mamamayan na si Guo para sa isang lisensya upang patakbuhin ang Hongsheng Gaming Technology, Inc. 

Ang Hongsheng ay ni-raid noong Pebrero 2023. ‘Di kalaunan ay sumulpot sa parehong compound ang kumpanyang Zun Yuan Technology, Inc., ang bagong ni-raid ng mga awtoridad.

Isa pang dokumento ang nagsiwalat ng listahan ng mga sasakyan na natagpuan sa lugar ng Zun Yuan Tech. Isa sa mga sasakyang ito, isang Ford Expedition EL na may plate number na CAT 6574, ay nakarehistro sa ilalim ng pangalan ni Guo, ayon sa mga record ng Land Transportation Office.

Bukod pa rito, natagpuan sa Zuan Yuan ang statement of account mula sa Tarlac II Electric Cooperative, Inc., na naka-address kay Guo at nagkakahalaga ng P15.111 milyon para sa paggamit ng kuryente mula Setyembre 2023 hanggang Pebrero 2024.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng masusing imbestigasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa potensyal na pagkakasangkot ni Guo.

“Ang mga dokumentong ito ay maaaring mag-ugnay kay Mayor Guo sa operasyon ng pasilidad ng POGO na dawit sa iba’t ibang kriminal na aktibidad. Dapat tingnan nang maigi ng DILG ang bagay na ito,” aniya.

Ayon sa senador, na isa ring dating alkalde, dapat kumilos ang mga local executives upang maiwasan ang mga kriminalidad sa kani-kanilang nasasakupan at hindi dapat masangkot sa mga kahina-hinalang negosyo tulad ng POGO.

Kamakailan lang ay naghain si Gatchalian, ang chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, ng resolusyon upang magsagawa ng imbestigasyon sa diumano’y human trafficking, serious illegal detention, physical abuse, at torture na naganap sa lugar ng Zun Yuan sa Bamban, Tarlac.

Photo credit: Facebook/AliceLealGuo

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila