Monday, November 25, 2024

DBM, Naglabas Ng PHP2B Para Sa DSWD AICS

6

DBM, Naglabas Ng PHP2B Para Sa DSWD AICS

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inaprubahan na ni Department of Budget and Management Secretary Amenah F. Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalagang Php2 billion sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para makatulong sa mga kababayang nangangailangan ng tulong dahil sa krisis.

Ang programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD ay naglalayong makapagbigay ng serbisyo kabilang na ang tulong pinansyal sa transportasyon, medikal, pagpapalibing, pagkain, at iba pang support services na kinakailangan ng mamamayan at pamilyang nasa krisis.

“Ang pondo ng taumbayan, dapat pong mapakinabangan rin ng taumbayan lalo na sa oras ng peligro. The release of this fund is a big help to our kababayans who are caught in difficult situation(s),” sabi ni Pangandaman.

“Maganda ang timing ng karagdagang pondong ito. Gusto nating tulungan ang DSWD para makapagbigay ng tulong at proteksyon sa mga pamilyang nangangailangan,” dagdag nito.

Photo Credit: Facebook/DBMgovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila