Muling pinagtibay ni Governor Rafy Ortega-David ang kanyang pangako sa pagbibigay ng pinalawak na access sa de-kalidad na edukasyon para sa mga kabataan ng La Union sa katatapos na Education Summit na ginanap sa lalawigan.
Ang summit, na pinangunahan ng Synergia Foundation, ay pinagsama-sama ang mga kinatawan mula sa lahat ng 20 component local government units sa La Union na may layuning mapabuti ang sistema ng edukasyon para sa Kaprobinsiaan.
Bilang isang tagapagtaguyod ng edukasyon at ina, binigyang-diin ni Ortega-David ang kahalagahan ng paglikha ng positibong pagbabago para sa mga kabataan ng La Union.
“Alam niyo po ba that ever since I became a mother, I became more strong-willed in my advocacy to make a change for the children of La Union. Kaya asahan po ninyo na marami pang programs ang maihahandog natin para sa mga kabataan,” aniya sa social media.
“Isa po ang summit na ito sa mga events that prove how our coming together through La Union PROBINSYAnihan brings out the best in us.”
Photo credit: Facebook/GovRafy