“Irony and hypocrisy”
Ito ang naging paratang ni Senator Leila De Lima ukol sa pag-ungkat ng Pangulong Rodrigo Duterte ng mga na-audit ng Commission on Audit (COA) noong rehime ng yumaong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Nagsilbing Secretary ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) sina Senator Leila De Lima at Mar Roxas noong nakaraang administrasyon
Patutsada ni De Lima, para sa taong hindi inilalabas sa publiko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), may bahid ng “irony” at pagiging hipokrito ang Presidente. Dagdag niya, ito ay isang misdireksyon kasunod ang sunud-sunod na kontrobersiya na kinakaharap ng ilang ahensya ng gobyerno.
“Besides, neither I nor Sec. Mar Roxas threatened the COA after those reports were released. Walang nagsisigaw sa aming dalawa sa telebisyon na winarak kami ng COA,” ayon kay De Lima. “At lalong hindi namin sinabihan ang COA na doktorin o “i-reconfigure” nila ang report nila. Hindi katulad ng iba diyan na daig pa ang telenobela sa hapon kung magdrama at magbanta laban sa COA.”
“Tulad ng sinabi ko, magnanakaw lang ang galit sa COA. Ni minsan hindi nagkaroon ng galit ang administrasyon ni PNoy sa COA. Gobyerno lang ni Duterte ang galit na galit sa COA.”
“Duterte, huwag ka nang magturo. Buking na buking ka na. Huwag ka nang mandamay at mag-akusa sa iba ng mga pinaglipasan nang mga isyu at luma nang mga paratang na hindi naman sinampa sa mga korte dahil nga wala namang basehan,” pananakot ng senador.
Noong Agosto 17, matatandaang naging emosyonal si Health Secretary Francisco Duque III sa national television dulot ng imbestigasyon ng “deficient” pandemic spending ng departamento.
“Mula noong Wednesday (August 11) na lumabas po ito, hindi na po ako nakakatulog. Ang mga kasama kong mga opisyal sa DOH, hindi na rin halos nakakatulog. Bakit, ‘ka ninyo? Sa kahihiyan. We were bloodied and bludgeoned with this issue,” hinaing ni Duque sa isang hearing
“COA should also consider that we’re not operating under normal circumstances, we’re operating under a state of public health emergency,”
“Winarak na ninyo kami eh. Winarak na ninyo ang dangal ng DOH. Winarak ninyo ang lahat ng mga kasama ko dito,” mangiyak-ngiyak na sinabi ni Duque.
Photo Credit: Senate of the Philippines Official Website