Friday, January 10, 2025

DEADMABELS? Chua: Panahon Na Para Magpaliwanag Ang Mga Duterte

1311

DEADMABELS? Chua: Panahon Na Para Magpaliwanag Ang Mga Duterte

1311

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Manila Representative Joel Chua sa pamilya Duterte na tugunan ang mga alegasyon ng pagkakasangkot nila sa ilegal na droga at extrajudicial killings noong anti-drug war ng administrasyong Duterte, na nagresulta aniya sa pagkamatay ng 27,000 Pilipino.

Sa isang pahayag, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng mga Duterte ng tiyak na tugon sa mga seryosong akusasyong ito. “As past and present government officials, it is the duty of the Dutertes to accord the Filipino people the respect that they deserve and answer these serious allegations of connections to illegal drugs and the extrajudicial killings,” ani Chua.

Ang panawagan ng mambabatas ay matapos akusahan sa mga Congressional hearing ng mga testigo tulad ng dating pulis na si Eduardo Acierto si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang malalapit na kaalyado na sangkot sa iligal na droga sa panahon. Pinuna niya ang pamilya Duterte sa paglihis ng atensyon sa mga isyung ito, at binanggit ang kamakailang “designated survivor” na pahayag ni Vice President Sara Duterte bilang pangunahing halimbawa ng political deflection.

“Because what has happened so far is just political deflection. The recent controversial ‘designated survivor’ statement of Vice President Sara Duterte is a prime example of this. As the issue hangs over the heads of the Duterte family, instead of answering directly, they deflect the issue,” dagdag ni Chua.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagtugon sa mga akusasyon, lalo na sa sinabi ni Acierto na ang dating economic adviser ni Duterte na si Michael Yang ay pinaghihinalaang drug lord na nagtamasa ng proteksyon noong administrasyon ni Digong. Ipinag-utos kamakailan ng House Committee on Dangerous Drugs ang pag-aresto kay Yang at iba pang pinangalanan sa congressional inquiry sa P3.6 bilyong drug bust sa Mexico, Pampanga.

“Idinawit yung economic adviser mo sa drugs, tapos you don’t confront the issue head-on? It defies human experience if they will continue to ignore the issue and pursue political deflection as a strategy,” pahayag pa ni Chua.

Ipinunto rin niya ang mga pahayag ng aminadong dating miyembro ng Davao Death Squad na si Arturo Lascañas, na si Duterte mismo ay isang drug lord at nag-oorkestra ng isang “pekeng” drug war. 

“Duterte is the lord of all drug lords in the Southern Philippines. He is the most dangerous person in the southern hemisphere,” pahayag ni Lascañas sa Vera Files.

“It defies human experience why anyone would not want to answer serious allegations such as these. The right thing to do is deny it if it is not true. But instead of answering all allegations, they deflect and stir controversy somewhere else,” ani Chua.

Sa mga nakaraang pagdinig ng dangerous drugs panel, idinawit ni Acierto sina Senador Bong Go at Bato dela Rosa sa pagprotekta kay Yang at iba pang hinihinalang drug lords. Pinangalanan din niya ang iba pang drug personalities, kabilang sina Johnson Chua, Allan Lim, at Allan Sy, na pawang inimbitahan ng komite na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

“They are neglecting their duty to the people, and they are setting a very poor example to those in public service. What happened to integrity and honesty among government officials?” giit ni Chua, at hinimok ang pamilya Duterte na harapin ang mga paratang at ibigay ang mga sagot na nararapat sa mamamayang Pilipino.

Photo credit: House of Representatives official website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila