Tuesday, December 3, 2024

Demolition Job! VP Sara Pumalag Sa Propaganda Campaign Laban Sa Kanya

24

Demolition Job! VP Sara Pumalag Sa Propaganda Campaign Laban Sa Kanya

24

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mariing kinondena ni Vice President Sara Duterte ang aniya’y isang smear campaign na naglalayong sirain ang kanyang reputasyon at integridad. Sa isang pahayag, binigyang-diin niya ang mga orchestrated efforts na pahinain ang kanyang posisyon at pagdudahan ang kanyang pangako sa paglilingkod sa mamamayang Pilipino.

Si Duterte, na nagsisilbi rin bilang Secretary ng Department of Education, ay nagsalita laban sa tinawag niyang “maruming bahagi ng pulitika,” at sinabing ginagamit ang black propaganda bilang sandata laban sa kanya ng mga tao na nangangarap na makita siyang mabigo sa pagtupad sa kanyang sinumpaang tungkulin sa bayan.

Iginiit pa ni Duterte na lumala ang mga pag-atake laban sa kanya at nagiging mas matapang at mas desperado. Binanggit niya ang iba’t ibang pagkakataon ng mga pag-atakeng ito, kabilang ang mga paratang na may kaugnayan sa confidential funds, pagpapalaganap ng video sa Commonwealth traffic, at mga akusasyon ng pagkakasangkot sa mga extrajudicial activities.

Bukod dito, ipinunto rin ni Duterte ang paglitaw ng mga online scam sa mga social media platform, tulad ng mga mapanlinlang na scholarship program, na naglalayong linlangin ang mga estudyante at magulang.

“Sinisiraan ako para pagdudahan, pahiyain, at panghinaan ng loob,” giit niya. “Nais nilang isuko ko ang aking sinumpaang tungkulin na magsilbi sa bayan. Ayaw nilang magtagumpay tayo para sa edukasyon ng mga batang Pilipino at para sa kanilang kinabukasan na nanganganib sa kamay ng korapsyon, kriminalidad, iligal na droga, at terorismo.”

Sa gitna ng mga hamong ito, nagpahayag ng pasasalamat si Duterte sa walang patid na suporta at pagmamahal ng sambayanang Pilipino. Nangako siya na ipagpapatuloy ang kanyang trabaho para sa ikabubuti ng bansa at inulit ang kanyang pangako sa pagsusulong ng de-kalidad ng edukasyon para sa mga kabataang Pilipino.

“Salamat sa inyong patuloy na suporta sa aking mandato na itaguyod ang pag-angat ng antas ng edukasyon ng ating mga kabataan. Salamat po sa inyong mga dasal,” aniya.

Pinaalalahanan din niya ang publiko na ang mga pag-atakeng ito ay nagtatago ng mga personal at pampulitikang interes at hindi nagsisilbi sa pinakamahusay na interes ng bansa o ng Pilipinas.

Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila