Saturday, April 20, 2024

DepEd, Naghahanda Na Para Sa Ligtas Balik Eskwela

0

DepEd, Naghahanda Na Para Sa Ligtas Balik Eskwela

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Iginiit ni Department of Education Secretary at Vice President Sara Duterte na tuloy ang face-to-face classes para sa mga elementary hanggang senior high school students sa darating na Nobyembre.

Sa isang statement na inilabas noong Miyerkules, ibinahagi ni Duterte na kasalukuyang pinaguusapan ng departamento ang plano nito na iprayoridad ang face-to-face classes sa darating na taong pangakademiko. 

“The President agreed that a plan should be made with a caveat that face-to-face classes shall be the priority and blended modality shall be considered only in specific schools and areas with special circumstances,” aniya.

Iginiit naman ni President Bongbong Marcos Jr. na ang blended mode of learning na siyang nirekomenda ni dating Education Secretary Leonor Briones upang tugunan ang pandemya ay dapat payagan lamang sa ilang mga lugar.

“We continue with blended learning pero in very specific places lamang (but only in specific places). As much as possible, face-to-face… Ang gawin na lang natin, i-identify saan ‘yung areas na magbe-blended learning para maka-focus tayo. Ihanda ‘yung mga devices at mga kailangan nila na noong pandemic hindi nasu-supplyan sa mga bata,” saad ni Marcos.

Patuloy na pinagpaplanuhan ng departamento ang ligtas na balik eskwela at ang kakulangan sa silid-aralan at mga guro.

President In Action

Metro Manila