Wednesday, February 19, 2025

‘DI NA JOKE YAN!’ Duterte, Kinasuhan Sa Pahayag Sa Bantang Pagpatay Ng Mga Senador

60

‘DI NA JOKE YAN!’ Duterte, Kinasuhan Sa Pahayag Sa Bantang Pagpatay Ng Mga Senador

60

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nilinaw ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Maj. Gen. Nicholas Torre III na walang kinalaman ang Malacañang o Senado sa pagsasampa ng kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kanyang kontrobersyal na pahayag tungkol sa pagpatay sa mga senador.

“Hindi namin kailangan ang Senado, hindi namin kailangan ang Malacañang dito para mai-file ang kaso na ito. I don’t think Malacañang should get involved in this dahil ito naman ay pure law enforcement. Ang pulis ay law enforcer, so may nakikita tayong violation of law,” ani Torre sa isang press briefing sa Camp Crame.

PNP Chief Marbil, Aprubado Ang Kaso

Ayon kay Torre, personal siyang nagpaalam kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil bago isinampa ang reklamo.

“I informed the PNP Chief Gen. Rommel Marbil] that I’ll be filing the cases and he said, ‘Go ahead, do your job.’ Trabaho ko ito eh,” dagdag niya.

Sinabi rin niya na obligasyon niyang magsampa ng kaso lalo na kung hayagang nilalabag ang batas.

“I’ll be remiss kung hindi ako mag-file ng kaso at ibang tao ang mag-file ng kaso na ito. Nakakahiya naman sa PNP ‘yun ‘pag inunahan tayo ng ibang tao mag-file sa kitang-kita naman na violation ng isang tao na palaging may nakatutok na camera,” ani Torre.

Seryosong Akusasyon, Hindi Dapat Balewalain

Isinampa ni Torre sa Department of Justice (DOJ) nitong Lunes ang mga kasong inciting to sedition at unlawful utterances laban kay Duterte bilang bahagi ng isang “case buildup.”

“Napakarami kasi ng kanyang mga sinabi, napakahaba, napakarami rin ng mga enumerations ko doon sa complaint na ginawa ko. So I’ll just leave it up to the prosecutors to evaluate kung alin ang kanilang ielevate sa husgado for trial at alin ang kanilang ididismiss kung meron man silang ididismiss,” aniya.

Dagdag pa niya, hindi na kailangan ng isang pribadong complainant sa isinampang kaso dahil kitang-kita naman sa social media ang naging pahayag ni Duterte.

“Alam naman natin lahat at nakikita natin sa social media kung ano ang kanyang ginawa, inevaluate namin, yun ang finile namin sa DOJ,” sabi niya.

‘Bagong Pilipinas Na, Sumunod Sa Batas!’

Binigyang-diin ni Torre na seryosong bagay ang pag-uudyok sa pagpatay at dapat lang na panagutin ang dating pangulo sa kanyang mga pahayag.

“Hindi naman puwede yan, Bagong Pilipinas na. Sumunod tayo sa batas dahil Bagong Pilipinas na. Kung noon tinolerate ‘yung mga ganyang mga shortcuts, sa ngayon hindi uubra yan sa ating Presidente,” aniya.

Binatikos din ni Torre ang dating pangulo sa umano’y hindi pagtupad sa kanyang mga pangako sa mga pulis na sumunod sa utos niya noong war on drugs mula 2016 hanggang 2022.

“Bakit kailangan i-justify na tama ang mga ginawa ng mga pulis noong time ni Duterte? Hindi ba may pangako siya? Anong pangako niya? Sagot niya lahat, hindi ba? Ano yun, joke ulit? Hindi ba may sinabi siya puwede ka mang-rape sagot ko yan ako’y magpapakulong ng sarili ko. Joke ulit yun?” ani Torre.

Matatandaang sinabi ni Duterte na nais niyang patayin ang 15 senador upang magkaroon ng bakanteng puwesto para sa mga kandidatong iniendorso niya sa darating na eleksyon sa Mayo 12. Ayon sa dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, biro lamang umano ito.

Ngunit ayon kay Torre, hindi dapat gawing biro ang mga ganitong pahayag.

“Not a joking matter,” giit niya.

Photo credit: Facebook/officialpdplabanph

 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila