Monday, January 20, 2025

Di Namin Kayo Tatantanan! — Romualdez Sa Onion Cartel

6

Di Namin Kayo Tatantanan! — Romualdez Sa Onion Cartel

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Malugod sinusuportahan ni Speaker Martin Romualdez ang kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa onion cartel at nangakong pananatilihin ang pagiging alerto sa price manipulation. 

Matatandaang ipinag-utos ni Marcos sa Department of Justice (DOJ) at sa National Bureau of Investigation na imbestigahan ang smuggling, hoarding, at price fixing ng sibuyas at iba pang agricultural commodities. 

Ikinatuwa naman ito ni Romualdez at pinuri ang determinasyon ng Pangulo alinsunod sa mga natuklasan ng House Committee on Agriculture and Food na nagtuturo sa isang kartel bilang salarin.

“This is a welcome development, a decisive action that manifests the President’s resolve to clamp down on unscrupulous businessmen preying on hapless Filipino consumers and hampering his administration’s efforts to sustain the robust growth of our economy,” aniya.

Si Romualdez ang nagpatawag ng congressional probe hinggil sa onion smuggling matapos magtala ng record high ang presyo nito sa P700 per kilo noong disyembre ng nakaraang taon.

“The President’s directive should be enough to deter further supply manipulation of agricultural products and help stabilize prices, especially amid reports that prices of onion are on the rise again.” aniya.

Gayundin, siniguro niya kay Marcos at sa bansa na ang Kamara ay pananatilihin ang pagbabantay laban sa price fixing sa pamamagitan ng pagsubaybay sa presyo ng sibuyas, bigas, at iba pang vital commodities at serbisyo upang maprotektahan ang interes ng mga mamimili. 

“We will continue to monitor prices, especially of basic staples like rice, vegetables, meat, onions, and garlic, to protect our people from hoarding, price manipulation, unreasonable price increases, and other practices in restraint of trade and which hamper competition,” aniya. 

“That is part of our oversight function. We have the appropriate tools to carry this out, including conducting follow-up hearings and summoning suspected hoarders, smugglers and cartel leaders if needed. We will not shirk from our duty to help our people.”

Ayon sa Malacañang, ang direktiba ni Marcos ay batay sa memorandum na isinumite ni Marikina Rep. Stella Quimbo na nagpapahiwatig ng malaking ebidensiya na nagtuturo sa pagkakaroon ng onion cartel na maaaring nasa likod ng pagtaas ng presyo ng sibuyas noong taong 2022. 

Noong nakaraang Mayo, sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food na pinamunuan ni Quezon 1st District Rep. Wilfrido Mark Enverga, itinuro ni Quimbo si Lillia o Leah Cruz at ang family-controlled firm nito na sentro ng umano’y onion cartel. 

Ayon kay Quimbo, ang kartel na nagpapatakbo sa pamamagitan ng mga grupo ng kumpanya, ay nakikibahagi sa mga gawain sa supply chain tulad ng farming, importation, local trading, warehousing, at logistics. 

Alinsunod sa direktiba ng Pangulo, inanunsiyo ng DOJ ang pagbuo ng Anti-Agricultural Smuggling Task Force na kinabibilangan din ng Bureau of Customs at ng Department of Agriculture.

Sa isang pahayag, sinabi rin ng departamento na bubuo ito ng team of prosecutors “primarily focused on protecting the entire agricultural sector, not only the onion industry.” 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila