Sunday, November 24, 2024

Digong, Nag Top 1! Nanguna Sa Mga Napupusuang Senador Sa 2025

15

Digong, Nag Top 1! Nanguna Sa Mga Napupusuang Senador Sa 2025

15

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanguna si dating presidente, Rodrigo Roa Duterte, sa listahan ng mga napupusuang tumakbo bilang senador sa 2025 elections ayon sa isang survey.

Sa 34 na mga pangalan sa politika, unang una si Duterte na nakakuha ng 55% ng boto mula sa mga respondents ng survey na isinagawa at isinapubliko noong ika-23 ng Marso ng Pahayag First Quarter. Natanggap naman niya ang pinakamataas niyang suporta sa Mindanao na may botong 66% at 68% naman na boto mula sa mga may edad 30-39 taong gulang.

Kasama sa listahan ang mga personalidad na dati nangtumakbo noong halalan taong 2022. Pumangalawa sa napipisil si Doc Willie Ong na dati nang tumakbo sa pagka bise presidente. Pantay naman sa pwesto sina Christopher “Bong” Go at Maria Imelda “Imee” Marcos. 

Nasa pang pitong pwesto rin sa listahan sina dating Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Vicente “Tito” Sotto at Panfilo “Ping” Lacson. Pangwalo  sina Ronald “Bato” Dela Rosa kasama si Gilbert “Gibo” Teodoro. 

Sa pang sampung pwesto naman sina dating bise presidente Maria “Leni” Robredo kasama ang abogadong si Jose Manuel “Chel” Diokno at dating spokesperson Harry Roque. 

Ang nagsagawa ng nasabing survey ay ang Pahayag First Quarter, isang independent at non-commisioned survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc na minentena ng PureSpectrum mula sa kanilang opisina sa Singapore. Kung saan ang mga samples na hatid nila ay walang kaakibat at kinikilingang  partido sa politika.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila