Monday, November 25, 2024

Dimalanta: ERC Nakatuon Sa Pagkamit Ng Demokrasya Sa Enerhiya

9

Dimalanta: ERC Nakatuon Sa Pagkamit Ng Demokrasya Sa Enerhiya

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ang Energy Regulatory Commission (ERC) ay nakatuon sa pag-poprotekta at pagbibigay ng kapangyarihan sa mga mamimili upang magkaroon ng demokrasya sa enerhiya sa Pilipinas.

Sinabi ni ERC Chairman at Chief Executive Officer Monalisa Dimalanta na ang transparent at accountable rate regulation ay magpoprotekta sa kapakanan ng mga konsyumer.

“If we truly want to empower our consumers, we need to give access to information that will allow them to make the right decisions. Engage them in an exercise to promote energy literacy,” aniya.

Sinabi ni Dimalanta na dapat tiyakin ng ERC na ang mga regulated firm, kabilang ang mga nananatiling “natural monopoly,” ay sumusunod sa batas dahil ang kanilang mga sistema at wire ay nagsisilbing “playing field” kung saan ang mga supplier at customer ay gumagawa ng kanilang mga desisyong pang-ekonomiya. 

“If there is no level playing field, if players are not held accountable, there can be no genuine exercise of the right to choose. In other words, we need to create and then protect this enabling environment for us to achieve energy democracy,” pagdidiin niya.

Ayon sa Climate Justice Alliance, ang demokrasya sa enerhiya ay ang paglipat mula sa korporasyon at sentralisadong ekonomiya ng fossil fuel patungo sa isang ekonomiya na pinamamahalaan ng mga lokal na komunidad at nakabatay sa prinsipyo na: wala dapat maging pinsala sa kapaligiran, sumusuporta sa mga lokal na ekonomiya, at nagpapahusay sa kalusugan at maayos na kalagayan ng lahat ng mga tao.

Isang halimbawa nito ay ang kamakailang nilagdaan na implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act (RA)11552 o “An Act Extending and Enhancing the implementation of the Lifeline Rate, Amending for the Purpose Section 73 of Republic Act. No. 9136 (Electric Power Industry Reform Act of 2021).”

Nangangahulugan ito na ang mga nasa marginalized sector na kumukonsumo ng kuryente ay patuloy na tatanggap ng subsidiya ng gobyerno sa kanilang mga singil sa kuryente sa loob ng isa pang 30 taon pagkatapos ng unang 20 taon sa orihinal na RA. Ito ay katulad ng isang tao na bahagya lamang na nagbayad ng singil sa kuryente sa halos buong adult life nya.

Inaasahang makikinabang ang halos anim na milyong pinakamahihirap na pamilyang Pilipino dahil ang mga benepisyaryo ng sambahayan sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps Act) Act ang prayoridad sa mga end user ng pinalawig na subsidy.

Ipinapatupad ng Department of Social Welfare and Development, ang 4Ps ay naglalayong bawasan ang pambansang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga cash transfer sa lubhang mahihirap na sambahayan upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon nila.

Ang batas at ang IRR, ayon kay Dimalanta, ay nag-aatas sa ERC na makipagtulungan sa DSWD upang matukoy ang mga marginalized end user na benepisyaryo din ng 4Ps.

“This system allows us to approximate a consistent approach in making sure that social safety nets are applied uniformly and benefit those who really need them,” sabi niya.

Pagpapatuloy ang ERC chief, “this contributes to a more cohesive approach to coming up with more effective support programs for the members of our population who most need the financial assistance.”

Sinabi pa niya na ang pagkakaroon ng pare-pareho at magkakaugnay na programa ay nagbibigay-daan sa pamahalaan na bumuo ng higit pang mga hakbangin na naglalayong mapabuti ang pangmatagalang “social at economic mobility.”

Nauna rito, pinuri at pinasalamatan ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) ang Department of Energy, ERC, at DSWD sa paglagda sa IRR ng RA 11552. Ayon kay UFCC President Rodolfo B. Javellana Jr., ang karagdagang 30 taon ng subsidy ay malaki ang magagawa para matulungan ang mga benepisyaryo na makatakas sa kahirapan.

Makikinabang aniya ang mga mahihirap na Pilipino sa batas na ito kahit matapos na ang termino ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr..

Photo Credit: asiacleanenergyforum.adb.org

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila