Saturday, December 21, 2024

DINAGA? Digong Inalaska PBBM Sa ‘Singhot’ Video, Tinawag Na Duwag

1359

DINAGA? Digong Inalaska PBBM Sa ‘Singhot’ Video, Tinawag Na Duwag

1359

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

May panibagong patutsada si dating pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos. Aniya, tila nabahag ang buntot ni Marcos matapos hindi diretsahang sagutin ang mga tanong ng taumbayan tungkol sa isang video kung saan makikita na gumagamit umano siya ng iligal na droga.

Nagulantang ang sambayanan matapos kumalat sa social media ang tinaguriang “Polvoron Video” ilang oras bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng pangulo.

Ang nasabing video ay ipinalabas sa Maisug rally sa Los Angeles, California at umami ng iba’t-ibang komento sa mga netizens. Dahil dito, agarang naglabas ng pahayag si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. upang bigyang linaw ang nasabing “polvoron video.”

“Peke po ang ginawa nilang video at obvious po na ito ay gawa-gawa lamang. Ngayon maliwanag na po sa akin na mayroong matinding plano na i-destabilize po ang ating gobyerno,” aniya.

Dagdag ni Teodoro, dapat ay managot ang nasa likod nito kung kaya’t nananawagan siya sa awtoridad ng Estado Unidos na tulungan ang ating gobyerno upang matunton ang may pakana ng video na ito.

Aniya, ang mga ganitong taktika ang hindi dapat hayaan na makasira sa paningin ng taumbayan. “Ito pong mga isip batang attempt na mapahina ang ating sandigang batas at institusyon ay mariin po naming tututulan at lalabanan. […] Hindi puwedeng magwatak-watak ang ating Republika sa mga swapang na pamamaraan o makasariling paraan.”

Ang pahayag na ito ni Teodoro ay niresbakan naman ni Duterte at pinaratangan si Marcos na tila duwag na harapin ang isyu sa likod ng “polvoron video.”

“The denial issued by DND is a slap in the face of every patriotic and honorable soldier who lives by the military’s highest code of conduct. It is bad enough that the DND has to do the dirty job of issuing the denial.”

Hirit pa ni Duterte, dapat pagbigyan na ni Marcos ang hiling na magpa-drug test siyang muli upang matahimik na ang taumbayan sa kung siya ba ay gumagamit ng iligal na droga o hindi.

Dahil dito, sinabi ng dating pangulo na dapat mamulat ang taumbayan sa pagtatago umano ng presidente sa kanyang mga kahina-hinalang gawain.

“I will not be an easy choice. Either way, it will define us individually and as a people. Staying neutral is actually a vote of confidence for an administration that shows no compunction. Whatever that decision and choice may be, the consequences will remain with us.”

Photo credit: Facebook/officialpdplabanph, screen grab from Department of National Defense Facebook video

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila