Friday, February 21, 2025

DINAYA RAW? Mga Kongresista, Nilinaw Na Walang Butas Sa Impeachment Complaint

87

DINAYA RAW? Mga Kongresista, Nilinaw Na Walang Butas Sa Impeachment Complaint

87

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hindi raw madudungisan ng anumang pagdududa ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Batangas Rep. Gerville Luistro, isa sa mga miyembro ng 11-man House prosecution panel.

Sa isang panayam sa telebisyon nitong Huwebes, mariing itinanggi ni Luistro ang alegasyong may butas sa proseso ng pagberipika sa reklamo. Aniya, lehitimo, naaayon sa Konstitusyon, at dumaan sa tamang proseso ang pagsasampa ng impeachment complaint na pirmado ng 215 mambabatas mula sa Mababang Kapulungan.

Binanggit din ni Luistro na may awtoridad ang Kongreso na magtakda ng sarili nitong mga patakaran sa impeachment.

“First, ang sabi po nila, we did not follow the rules on verification. It is clear in our Constitution that Congress shall promulgate its own rules on impeachment…,” ani Luistro.

Dagdag pa niya, eksaktong sinunod nila ang mga patakaran ng ika-19 na Kongreso pagdating sa beripikasyon ng reklamo.

Itinanggi rin niya ang paratang na idinagdag lamang ang verification page matapos maisampa ang reklamo sa Senado.

Ipinaliwanag niya na ang verification page ay naisama na noong 215 na mambabatas ang pumirma sa reklamo noong Feb. 5 caucus.

Mga Batayan Ng Impeachment, Iniimbestigahan Na Ng Kongreso

Ibinunyag din ni Luistro na karamihan sa mga isyu laban kay VP Sara ay bahagi na ng kasalukuyang imbestigasyon sa ilang House committees.

“Let us all be reminded, most of the grounds (are the) subject matter (of) investigation in the Quad Comm and even in the Committee on Good Government,” aniya.

Mariin ding itinanggi ni Luistro ang akusasyon na walang due process sa reklamo laban kay Duterte.

“As a matter of fact, a summons will be issued to her. She will ask to answer, and she will be given time to present her evidence. This is what due process is all about,” paliwanag niya.

One-Year Rule, Hindi Nilabag

Pinabulaanan din ni Luistro ang alegasyong lumabag sila sa one-year impeachment rule.

Ayon sa kanya, ang batas ay nagsasaad na isang beses lamang maaaring i-impeach ang isang opisyal kada taon, ngunit hindi nito sinasabing kailangang tapusin ang proseso sa parehong taon.

Base sa kanyang paliwanag, kung pagbabatayan ang unang tatlong impeachment complaints, maaari lamang magsampa ulit ng bagong reklamo pagsapit ng Nobyembre 2025, at kung ang ikaapat na consolidated complaint ang pagbabasehan, hanggang Pebrero 2026 ang bisa ng prohibition period.

Dapat Bang Suspendihin Ang Mga House Leaders?

Samantala, binatikos ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ang mga alyado ng Duterte camp na umano’y ginagamit ang Office of the Ombudsman laban sa mga mambabatas na sumusuporta sa impeachment complaint.

Reaksyon ito sa panawagan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na suspendihin ang mga House leaders na inakusahan ng pamemeke ng pampublikong dokumento.

Pinanindigan niyang mananatiling matatag ang Kamara sa pagsusulong ng transparency at accountability anuman ang kulay ng politika.

“We trust that the Ombudsman will not allow itself to be used as a tool for political games and will dismiss this baseless request for preventive suspension,” dagdag niya.

Binigyang-diin din niya na isa lamang itong diversionary tactic para ilihis ang atensyon ng publiko mula sa impeachment case.

‘Maling Panahon, Maling Estratehiya’

Binatikos ni Dalipe ang timing ng reklamo, aniya, malinaw na paraan ito para gipitin ang Kamara at lumikha ng maling kwento laban sa liderato nito.

“The timing of this complaint is telling. It is meant to pressure the House and create a false narrative that undermines the integrity of its leadership,” ani Dalipe.

National Budget, Hindi Ginalaw

Pinasinungalingan din ni Dalipe ang mga alegasyon ng “budget insertions” sa 2025 national budget.

“Let’s be clear: the General Appropriations Bill is a product of rigorous, transparent, and lawful deliberations,” aniya.

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila