Itinanggi ni Senador Jinggoy Estrada ang usap-usapang siya ang papalit kay Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri.
“Walang katotohan iyon [na ako ang papalit]. Pati ako nagugulat sa ganoong klaseng rumors. I’m not thinking of it kasi suportado namin si Sen. Zubiri,” pahayag niya.
Ayon kay Estrada ay wala siyang alam kung saan nagmula ang mga nasabing hinala at wala naman daw di umanong plano o usapan na magkakaroon ng pagpapalit sa liderato ng Senado.
“Wala at wala akong kinakausap, walang ganung plano,” dagdag pa niya.
Giit pa ng mambabatas, maayos naman ang pamamalakad ni Zubiri kaya’t malabong-malabo itong mapalitan sa kaniyang pagka-pangulo ng Senado.
“He [Zubiri] is okay, mataas ang rating ni SP at nadadamay ang Senado sa pagtaas ng rating, we are 2nd highest government institution,” giit niya.
Usap-usapan ang pagpapalit ng liderato sa Senado sa pagbabalik ng sesyon nito sa Hulyo 24. At bukod kay Estrada ay napaghihinalaan ding papalit si Senate President Pro Tempore Loren Legarda bilang sunod na pangulo ng senado.
Photo credit: Facebook/senateph