Sa isang hakbang upang ipakita ang pagpapahalaga sa mga senior citizen at magbigay sa kanila ng higit na kailangan na tulong, iminungkahi ni Senador Manuel “Lito” Lapid ang isang hakbang upang taasan pa ang diskwento na kasalukuyang ibinibigay sa kanila.
Sa isang pahayag, sinabi niyang dapat bigyan ng diskwento ang mga senior citizen sa kanilang konsumo sa tubig at kuryente at tanggalan ng value-added tax (VAT) ang mga nasabing bill.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 2169, ang mga senior citizen ay makakatanggap ng 5% discount sa unang 150 kilowatt hours ng konsumo sa kuryente, habang 5% na discount naman ang ibibigay sa unang 50 cubic meters ng konsumo ng tubig.Â
Ang panukalang diskwento sa konsumo sa kuryente ay kumakatawan sa isang pagtaas ng 50% mula sa nakaraang mga rate. Bukod pa rito, iminungkahi ni Lapid ang hindi pagpatong 12% VAT sa mga singil sa tubig at kuryente ng mga senior citizen sa kondisyon na ang mga bayarin ay nasa ilalim ng kanilang pangalan.
Ang panukala ni Lapid ay idinisenyo upang matulungan ang mga senior citizen na kapos sa gastusin para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at gamot.
“Many senior citizens are poor and find it challenging to manage and budget their pensions, so it is only appropriate to provide and offer them with some relief through VAT exemption and an expanded coverage on the 5% discount on water and electricity consumption,” aniya.
Nakikita rin ng mambabatas ang panukala bilang isang paraan para ipakita ng lipunan ang pagpapahalaga sa mga nakatatanda sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa noong kanilang kabataan.
Sa pagsuporta sa panukalang batas, sinabi ni Lapid na, “Any form of aid, assistance, or support that we can give to senior citizens serves a meaningful gesture to convey our love, affection, and concern for their invaluable contributions to our society.”