Wednesday, January 22, 2025

DISMAYADO! PBBM Pinalagan PNP Reform Bill; Bato Nagmaktol

1239

DISMAYADO! PBBM Pinalagan PNP Reform Bill; Bato Nagmaktol

1239

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tila nagdamdam si Senador Bato dela Rosa matapos ibasura ni Pangulong Bongbong Marcos ang Philippine National Police (PNP) Organizational Reform bill na makakabuti umano sa kapulisan at sa taumbayan.

Kamakailan lamang, ipinabatid ng pangulo na hindi niya aaprubahan ang pagpapatupad ng PNP reform bill dahil maaaring mag-ugat lamang ito sa sapawan sa mga police personnel na makaapekto sa kanilang tungkulin at sa sweldo na kanilang makukuha.

“[T]he bill creates new offices within the PNP, which could lead to unnecessary bureaucracy and inefficiency. Our administration’s goal is to streamline operations, not complicate them,” ani Marcos sa kanyang opisyal na pahayag.

Dagdag pa niya, bukod sa “overlapping” ng trabaho ay maaaring magresulta ito na magkaroon ng “overstaff” sa mga opisina at hindi mabigyang prayoridad ang mga dapat solusyunang isyu.

“The administration continues to work closely with Congress to develop better legislation that strengthens our police force without causing any negative side effects. We continue to strive to improve our country’s police force in the best way possible,” paliwanag ng kampo ni Marcos.

Dahil sa desisyong ito, umalma si dela Rosa at sinabing nasayang lamang ang kanilang pagod at hirap upang mapaganda sana ang pamamalakad sa PNP at magpakita ng kahalagahan sa kapulisan.

“The irony is not lost on me, and it is precisely that irony that is so disheartening. Malungkot man sabihin pero tila nasayang ang pagod at hirap, hindi lamang ng Kongreso, kundi pati na rin ng DILG, NAPOLCOM, at PNP sa pagbalangkas ng PNP Organizational Reform Bill.”

Saad ng senador, ang pagbasura ng pangulo sa kanilang ipinasang reporma ay nagpapakita na pagka-walang bahala ng administrasyon sa “urgency” na kailangan ng PNP para mas maprotektahan ang bansa sa kapahamakan.

Sa kabila nito, nanindigan pa rin si dela Rosa na gagawin ang lahat upang ipaglaban ang kapakanan ng kapulisan dahil aniya, sila ang magiging susi sa mas mapayapang bansa.

“Umaasa po ako na darating din ang pagkakataon na magtatagpo rin ang mga pangarap natin at ng Malakanyang para sa ating kapulisan. Lagi’t lagi, handa po akong tumulong para maisakatuparan ito.”

Ang nasabing PNP Organization Bill ay isinulong ng Kongreso, kabilang na si dela Rosa, upang magkaroon ng “reoorganization” sa mga kapulisan upang mas matugunan ang pagbibigay seguridad sa bansa.

Photo credit: Facebook/OfficialPageofRonaldBatoDelaRosa

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila