Saturday, November 9, 2024

DISMAYADO! Prayer Rally Ni Digong, Naudlot; Hinarang Umano Ni PBBM

774

DISMAYADO! Prayer Rally Ni Digong, Naudlot; Hinarang Umano Ni PBBM

774

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dismayado si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaudlot ng kanyang pinangungunahang Maisug Rally sa Tacloban. Hinala ni Digong, pakana umano ni President Bongbong Marcos ang pagharang sa nasabing prayer rally.

Sa isang open letter na ibinahagi ni former Presidential Protocol Director II na si Jasmin Egan, sinabi ni Digong na malakas ang kanyang kutob na ipinag-utos ng kasalukuyang administrasyon na pigilan ang pagdaraos ng rally sa ibang lalawigan.

Dagdag ni Digong, hindi siya naniniwala na ang postponement nito ay dahil sa sama ng lagay ng panahon sa bansa, kundi dahil may nag-utos na ipatigil ito.

“As part of the Marcos administration’s policy of stifling peaceful dissent, they are doing everything to prevent this rally from happening.”

Dagdag pa ni Duterte, hindi ito ang unang pagkakataon na gustong pigilan ng administrasyon ang kanilang mga aktibidad dahil nangyari na ito noon sa kanilang planong rally sa Bulacan, Malolos, at sa Bustos.

“Innocent government workers were either relieved or suspended as collateral damage to these rallies including Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib and Cebu City Mayor Michael Rama. The message is clear, unless you do your part in thwarting these rallies, you pay dearly for it,” aniya.

Saad pa ni Duterte, ang pagpigil sa kanilang prayer rallies ay patunay sa paglabag umano ng kasalukuyang administrasyon sa “freedom of speech” sa bansa.

Sa kabila nito, nanindigan ang dating pangulo na hindi siya titigil na magsalita para sa taong bayan kahit na ilang beses pa siya pigilan. Aniya, karapatan niyang ipaglaban at bigyan ng boses ang bawat Pilipino bilang dating namumuno rin sa bansa.

“I will continue to speak even if my own life is at stake. I do not like the way oppressed Filipinos are being treated now. They are oppressed and have no one to turn to. I was City Mayor for 22 years and President for six years but I never, never ever prevented anyone from exercising his or her right to peacefully assemble.”

Dahil dito, personal na humingi ng despensa si Duterte sa mga naapektuhan ng postponement ng prayer rally sa Tacloban at nangangakong gagawa ng paraan para maisulong ang iba pang aktibidades, dahil aniya hindi ito para sa kanya ngunit para sa taong bayan.

Photo credit: Facebook/officialpdplabanph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila