Saturday, January 4, 2025

DOE Titiyaking Patas Ang Pagpapatupad Ng Electricity Lifeline Rate Subsidy

0

DOE Titiyaking Patas Ang Pagpapatupad Ng Electricity Lifeline Rate Subsidy

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na ipapatupad nito ng patas ang extended lifeline rate subsidy at mapupunta ang diskwento sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.

Ayon kay DOE Assistant Secretary Mario Marasigan, na nagsalita sa ngalan ni Energy Secretary Raphael P.M. Lotilla, may safeguards sa mga probisyon ukol sa subsidiya sa kakalagda lamang na implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act (RA) 11552 o ang “An Act Extending and Enhancing the implementation of the Lifeline Rate, Amending for the Purpose Section 73 of Republic Act. No. 9136 (Electric Power Industry Reform Act of 2021)” na titiyak na ang diskwento ay mapupunta sa marginalized sector. Sinisigurado rin na maliit lang ang epekto nito sa mga subsidizing sectors na non-lifeline electricity consumers.

Sa pinirmahang IRR, mas palalawigin pa ng 30 na taon ang electricity lifeline subsidy mula sa unang 20 na taon nakatakda sa orihinal na RA.  Ito ay maihahantulad sa isang tao na nakikinabang sa benepisyo ng isang bahagyang na-subsidize na singil sa kuryente sa halos buong adult life nya.

“The approved extension of implementation until the next 30 years will aid the marginalized sector in their economic sustenance and hopefully, recovery in the hope that by the end of the 30 year extension there will be less marginalized consumers and very minimal need for subsidy,” dagdag ni Marasigan.

Aniya, layunin ng amended Lifeline Rate Program na protektahan ang public interest dahil apektado ang mga konsyumer at distribution utilities sa mga pinapasang rates.

Sinabi ng DOE official na masisigurado ng safeguards at mechanisms ng IRR na ang mga kwalipikado lamang sa ilalim ng batas ang makikinabang sa lifeline rates.

Nakatakda sa IRR ang mga hakbang upang makatanggap ng lifeline subsidy, tulad ng pagsumite ng application, upang masiguro ng gobyerno na ang subsidiya na bigay ng non-lifeline customers ay nagagamit nang maayos.

Hihingin sa mga electricity end-users ang mga kakailanganin na documentation para sa distribution utilities upang maberipika ang kanilang eligibility bilang lifeline customer. Kabilang din sa IRR ang disqualifications, partikular ang mga nakatira sa condominium at ang mga gumagamit ng net metering.

“We also leverage on the best available information from the Philippine Statistics Authority and the Department of Social Welfare and Development (DSWD) for more accurate targeting of lifeline beneficiaries and determination of threshold so that we can concentrate the subsidies to consumers in our poorest areas,” dagdag ni Marasigan.

Aniya, titiyakin ng DSWD na ang mga tumatanggap ng lifeline subsidy ay kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino beneficiaries master list. Ang Energy Regulatory Commission ay patuloy pa rin magtatakda ng threshold level at lifeline rate per distribution utility. Ang mga distribution utility ang tutulong sa pag-validate at pagkumpirma ng eligibility ng mga benipisyaryo sa pamamagitan ng pagsumite ng report sa ERC.

“Such will lead to an achievement of a more equitable distribution of the lifeline subsidy, thus creating a more transparent and fair implementation of the lifeline subsidy among qualified marginalized electricity end-users and provision of assistance to electricity consumers living below the poverty threshold,” sabi niya.

Abot kayang presyo ng kuryente

Sinabi ni Marasigan na naaayon sa panawagan ng DOE na “affordable electricity prices” ang Renewable Energy Agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang extended lifeline rate subsidy.

Aniya, plano ni Pangulong Marcos sa susunod na anim na taon ng kanyang pamumuno ang pagbibigay diin sa pagpapatayo ng mga bagong power plants na gumagamit ng mga renewable energy resources at magpapababa sa presyo ng kuryente para sa mga konsyumer.

Dagdag niya, ang mga renewable energy plants ay gumagamit ng solar, wind, water, at biomass. Pwede rin gamitin ang hydro at geothermal bilang sources ng kuryente.

“We are aware that these technologies continue to grow and as such, costs of building capacities will continue to decline and we see that in the near future, costs of electricity generation will be lower while the number of lifeline customers will also continue to go downwards resulting to lower subsidy requirement from non-lifeline customers,” sabi niya.

Dahil sa lumalaking populasyon ng bansa, dagdag pangangailangan sa enerhiya at lumalagong ekonomiya, mas kailangang tiyakin ang layunin ng pangulo na mag-diversify sa mga renewables at iba pang energy sources, giit ni Marasigan.

Makakatulong ang electricity subsidies sa mga mahihirap ngunit makikinabang din mga ito sa “revitalized workforce,” na makatutulong sa ekonomiya ng bansa.

Photo Credit: Facebook/DOEgovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila