Pinapayuhan ang mga employer na huwag markahan ng absent ang mga empleyado na magpapabakuna sa tatlong araw na Covid-19 special vaccination days mula Disyembre 5 hanggang 7, iniulat ng Philippine News Agency ngayong Martes.
“Employers are highly encouraged to allow their employees to be excused from work without being considered absent when they: get vaccinated and/or accompany their children on the scheduled vaccination; or experience adverse vaccine-related effects and/or have to take care of their children who experience adverse vaccine-related effects,” pahayag ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa Labor Advisory No. 24 na inilabas ngayong Martes.
Inilabas ang mga alituntunin upang tulungan ang gobyerno sa pagpapatupad ng Bakunahang Bayan: Special Vaccination Days.
Ang mga empleyado ng pribadong kumpanya ang sakop ng advisory.
“This Advisory shall apply to all employees in the private sector, particularly those with due or missed schedule of vaccine doses 1st and or 2nd booster dose and or those who will accompany their children for vaccination,” patuloy ng pahayag.
Inanunsyo kamakailan ng Department of Health ang nationwide “Bakunahang Bayan” event, na naglalayong pataasin ang access ng publiko sa mga bakuna.
Photo Credit: Facebook/DOHgovPH