Wednesday, November 6, 2024

Ecleo Nanawagan Para Sa Kaligtasan Ng Mga Paaralan Sa Dinagat Islands

9

Ecleo Nanawagan Para Sa Kaligtasan Ng Mga Paaralan Sa Dinagat Islands

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

May panawagan si Dinagat Islands Representative Alan 1 B. Ecleo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Education (DepEd) patungkol sa kaligtasan ng mga paaralang malapit sa dalampasigan na lapitin ng sakuna.

Hiniling ni Ecleo ang pagbubuo ng isang disaster resilient master design sa mga nasabing ahensya.

Sa gitna ng panawagan ng mambabatas, nakahain din sa House Committee on Basic Education and Culture ang isang panukala na nag-uutos sa DPWH at DepEd na bumuo ng kasunduan na naglalayong bumuo ng mga gusaling disaster-resilient sa mga paaralang pang-elementarya, junior, at senior high school.

“Kitang-kita namin ang epekto ng kawalan ng mga school building sa Dinagat Islands habang umaahon kami mula sa pagkawasak na dinala ng Bagyong Odette.”

“Saludo tayo sa katatagan ng ating mga kababayan, pero hindi lamang sila dapat palakpakan kundi mas lalong tulungan at pagtibayin gamit ang mga natutunan natin sa mga nakalipas na sakuna.” pagbibigay pugay ni Ecleo sa kanyang mga kababayan.

Maliban sa pagiging silid-aralan, ang mga gusali sa mga paaralan ng Dinagat Islands ay nagsisilbi ring evacuation center lalo na’t madalas daanan ng bagyo ang isla.

Dagdag pa niya, paulit-ulit na gumagastos ang kanilang mamamayan tuwing nasasalanta ang mga paaralan lalo na’t kung kinakailangang isaayos ang mga gumuho at nasirang gusali.

Ayon sa datos ng Department of Education (DepEd), karamihan o 85 porsyento ng mga silid-aralan ang nasalanta at tuluyang nawasak ng Bagyong Odette. Lumalabas dito na 354 ang kailangang palitan at 107 na classroom ang dapat ayusin.

“Sa kabuuan, ayon sa DepEd, 1.7 Bilyong Piso ang kailangan upang ganap na maayos ang mga paaralan, kasama na ang mga kagamitan at materyales na dapat bilhin upang mapakinabangan ang mga ito.” pahayag ni Ecleo.

Panawagan ng kinatawan, ang mga kasapi ng komite ay nararapat lamang na suportahan ang nakahaing resolusyon pagkat hangad nito na matugunan ang pangangailangan ng mga komunidad na lubhang delikado at lapitin ng sakuna.

“Hindi sapat na itayo lang natin ang mga gusali at hintaying mawasak uli ito ng susunod na delubyo. Tungkulin nating tiyakin na mas matibay, mas ligtas, at mas tatagal ang ating ipapalit,” ani Ecleo.

Photo credit: Facebook/allan.ecleo.3

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila