Mananatiling nasa opisyal na balota para sa nalalapit na Mayo 2025 na halalan ang pangalan ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Batay sa ballot template na inilabas sa opisyal na website ng Comelec, kabilang pa rin si Teodoro bilang isa sa dalawang kandidato para sa posisyong kinatawan ng unang distrito ng Marikina.
Nakabinbing Motion For Reconsideration
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, mayroon pang nakabinbing Motion for Reconsideration (MR) ang alkalde sa harap ng Commission en Banc.
“There have been numerous instances of the Commission en banc having a reversal of the decision of the Division because of the arguments presented in the MR,” ani Garcia sa isang press briefing.
Dagdag pa ni Garcia, mananatiling kasama sa balota ang pangalan ni Teodoro hangga’t hindi nagiging pinal at executory ang desisyon ng Comelec kaugnay ng kanyang kaso.
Isyu sa Certificate Of Candidacy
Noong Oktubre 2024, kinansela ng Comelec First Division ang certificate of candidacy (COC) ni Teodoro dahil sa umano’y maling impormasyon na isinulat niya sa kanyang COC. Gayunpaman, patuloy na hinihintay ang pinal na desisyon mula sa Commission en Banc.
Ang kasalukuyang sitwasyon ay patuloy na binabantayan ng publiko, lalo na’t malapit na ang halalan, na mahalaga para sa kinabukasan ng unang distrito ng Marikina.
Photo credit: Philippine Information Agency