Sunday, January 12, 2025

‘Enjoy Ako’: Pangulong Digong Nasa ‘Retirement’ Phase Na

18

‘Enjoy Ako’: Pangulong Digong Nasa ‘Retirement’ Phase Na

18

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tila nagpahiwatig si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng kawalan ng plano na bumalik sa pulitika base sa kanyang pinakabagong pahayag.

“I am enjoying, actually, my life sa retirement phase ko. More time with the family, more time with myself and the badly needed kulang ko sa tulog nu’ng naging mayor ako at naging presidente for the longest time. So a lot of [catching] up, not really for health reasons, okay naman ako, but ‘yung para sa sarili ko and more time with the family,” aniya sa isang interview na ibinahagi ni Senator Bato Dela Rosa sa kanyang social media page.

Ito ay sa kabila ng paglutang ng pangalan ni Duterte bilang isa sa mga napupusuang kandidato para sa Senate elections sa 2025. Ayon sa PAHAYAG 2023-Q2 survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia, Inc., bagama’t bumaba sa 51% mula 55% ang kanyang popularity rate, ang dating pangulo pa rin ang namamayagpag bilang top-of-mind ng mga botante para ihalalal na senador dalawang taon mula ngayon.

Kilala sa kanyang strongman leadership style at unconventional approach sa governance, nag-iwan si Duterte ng hindi makakalimutang marka sa bansa noong panahon niya bilang local executive at pinakamataas na opisyal sa bansa. Sa kanyang pagreretiro, balikan natin ang kanyang naging karera sa pulitika.

Unang nakakuha ng national attention si Duterte bilang isa sa pinakamatagal na mayor ng Davao City, kung saan siya nabansagang “The Punisher” dahil sa kanyang kanyang matitinding hakbang kontra krimen. Ang kanyang panunungkulan sa pagka-alkalde ay nakilala sa mga kontrobersyal na patakaran, kabilang ang pagtatatag umano ng Davao Death Squad, isang grupong vigilante na umano’y pinupuntirya ang mga kriminal.

Noong 2016, nahalal si Duterte sa pagkapangulo ng Pilipinas at itinulak ng kanyang pangako na puksain ang iligal na droga at katiwalian sa loob ng gobyerno. Ang kanyang kampanyang “war on drugs” ay umani ng malawakang batikos para sa umano’y mga paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings.

At ang pinakahuli, nakita rin sa pagkapangulo ni Duterte ang pagbabago sa foreign policy ng Pilipinas, dahil itinuloy niya ang mas malapit na ugnayan sa mga bansang tulad ng China at inilalayo ang bansa sa tradisyunal na kaalyado nito, ang United States. 

Photo credit: Facebook/OfficialPageofRonaldBatoDelaRosa

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila