Sunday, January 12, 2025

Epal ‘Yan! Politikong Gumagamit Ng Public Funds Para Sa Self-Promotion Dapat Ma-Ban Sa Public Service – Rep. Barbers

15

Epal ‘Yan! Politikong Gumagamit Ng Public Funds Para Sa Self-Promotion Dapat Ma-Ban Sa Public Service – Rep. Barbers

15

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Iginiit ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers na pasok sa matagal na niyang isinusulong na panukala na “Anti-Epal Bill” ang mga insidente na nagpapakita ng self-promotion ng ilang opisyal ng gobyerno gamit ang public funds.

Nagpahayag siya ng pagkabahala sa isang TV interview kung saan napag-usapan ang isyu ng mga pulitiko na gumagamit ng mga public resources upang i-promote ang kanilang mga sarili.

“‘Yung picture ng politiko na nakadikit mismo sa diploma na galing sa isang public school o di kaya state university o state college eh siguro dapat e bawalan talaga yan dahil yan ay epal na klarong klaro,” ayon kay Barbers.

Sa nasabing panayam, tinanong ang opinyon niya tungkol sa isang local government official na naglagay ng kanyang imahe sa certificate of recognition ng mga estudyante. Ayon sa mambabatas, “from that particular situation, palagay ko ang gumastos dyan ay ang city government.” Ipinaliwanag pa ni Barbers na ang kanyang panukala ay may kasamang mahigpit na parusa upang maiwasan ang mga naturang aksyon.

Kasama sa iminungkahing penal provisions sa panukala niya ay ang pagkakulong mula 6 na buwan hanggang 1 taon, kasama ng monetary fine mula P100,000 hanggang P1 milyon. Karagdagan pa, kung magiging batas, ang mga opisyal na napatunayang nagkasala ay mahaharap sa panghabang-buhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng public office. Ang disqualification na ito ay makakapigil sa mga nahatulang indibidwal na tumakbo para sa public office sa hinaharap.

Ipagbabawal din ng panukala ang paglalagay ng mga pangalan, logo, inisyal, o larawan ng mga public officials sa mga signages na nag-aanunsyo ng public works, at pagkilala sa mga individual officers sa public service projects o vehicles. Naniniwala si Barbers na ang gawaing ito ay hindi etikal at nagtataguyod ng political patronage at katiwalian sa mga opisyal. 

Ipinag-uutos din ng panukalang batas ang pag-alis ng mga naturang signage sa loob ng tatlong buwan.

Photo credit: House of Representatives Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila