Inutusan ni Senador Win Gatchalian ang Land Transportation Regulatory and Franchising Board (LTFRB) na bilisan ang paghahanda para sa epektibong implementasyon ng Pantawid Pasada program.
Ang kanyang panukalang Senate Bill No. 384 ay naglalayong mag-institutionalize ng Pantawid Pasada program dahil sa pangangailangan na magtayo ng energy subsidy program para makatulong sa sektor ng pampublikong transportasyon sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina.
“To avoid delay in the disbursement of the subsidy and to ensure the desired impact is realized, the LTFRB and other government agencies concerned should be ready to implement the program efficiently and should have learned the lessons from previous disbursements,” sinabi ni Gatchalian sa isang pahayag.
Base sa dating implementasyon ng programa, ang pagiging epektibo nito ay nakabatay sa pagbibigay sa mga benepisyaryo, kaya idiniin niya na kailangang paghandaan ito.
Dagdag pa ng mambabatas, na vice chairperson din ng Senate Committee on Energy, dapat ding bilisan ng Department of Energy ang implementasyon ng Electric Vehicle Industry Development Act para manghikayat ng malawakang paggamit ng electric vehicles at bawasan ang pagdepende sa imported oil.
“Alam natin na anumang pagkagambala sa suplay ng langis ay nagdudulot ng mas mataas na presyo. Kaya’t dapat na maging mabilis ang aksyon ng gobyerno na tumugon sa hamon na ito upang magkaroon ng agarang proteksyon ang mga sektor na labis na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis,” aniya.
Photo credit: Win Gatchalian Official Website