Saturday, January 11, 2025

Fake Pinoys? Rep. Barbers Nanawagan Ng Imbestigasyon Sa Pagdagsa Ng Mga Chinese Sa EDCA Sites

255

Fake Pinoys? Rep. Barbers Nanawagan Ng Imbestigasyon Sa Pagdagsa Ng Mga Chinese Sa EDCA Sites

255

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinikayat ni Surigao del Norte Representative Robert Ace S. Barbers ang mga ahensya ng gobyerno na imbestigahan ang dumaraming presensya ng mga Chinese national malapit sa RP-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites at mga pangunahing sea at airports sa buong Pilipinas.

Sa isang pahayag, binanggit niya ang pagdagsa ng mga mamamayang ito at ang kanilang potensyal na epekto sa national security at economic activities.

“Dapat lang siguro na alamin natin at imbestigahan ang BI kung ilang Chinese nationals na ba talaga ang nasa loob ng ating bansa, ano ang nature ng hawak nilang mga travel documents, at kung saan saang parte ng ating bansa sila naka-deploy,” ayon kay Barbers.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng Bureau of Immigration, Department of Foreign Affairs (DFA), at intelligence agencies na suriing mabuti ang sitwasyon. Kinuwestiyon din niya ang mga pamamaraan para sa pagbibigay ng visa sa mga Chinese national at ang pagiging tunay ng kanilang mga travel documents.

“At itong mga DFA officials natin sa China, nagsasagawa ba sila ng due diligence sa pag-apruba ng visa ng mga Chinese nationals na pumupunta sa ating bansa? Dapat din siguro alamin natin sa kanila kung ang status ng mga Chinese nationals na binigyan nila ng visa, ang bilang ng mga pumunta dito at bumalik sa China, at ilan pa ang numero ng mga naiwan pa dito,” tanong ng mambabatas. 

Ayon sa kanya, isang “Chinese mafia” ang sangkot sa mga pekeng dokumento, kabilang ang mga pasaporte, lisensya, at certificates.

“The question is: What have these government agencies done to counter in the tampering of their respective offices’ documents? They are all eerily quiet on this issue. Are some of the officials of said agencies in cahoots or enables of the Chinese mafia?” tanong uli ni Barbers.

Nagpahayag din siya ng pagkaalarma sa mga ulat ng pagbili ng mga pekeng Filipino national ng lupa malapit sa mga defense site at pagtatatag ng mga negosyo, kadalasan sa tulong ng mga local enabler. Binigyang-pansin niya ang mabilis na pagpapalawak ng mga warehouses at business establishment, partikular sa mga rehiyon tulad ng Central Luzon at Cagayan, na katabi ng mga EDCA sites.

“One can see those warehouses sprouting like mushrooms in Central Luzon, particularly in Pampanga and Bulacan, Bataan, Zambales, Nueva Ecija, Tarlac and nearby towns in the region. Now they are slowly but surely creeping in Cagayan near where the two EDCA sites are located,” ayon sa mambabatas. 

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagtugon sa mga kaganapang ito, lalo na sa mga pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kinondena ang mga panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas. Pinuna rin ni Barbers ang kawalan ng pagkilos ng ilang ahensya ng gobyerno sa kabila ng lumalaking alalahanin tungkol sa mga panganib sa national security.

“Ang deployment at pagbibili ng lupa, pagtatayo ng negosyo ng mga Chinese nationals na malapit sa EDCA sites ay dapat bigyan tuon ng mga concerned agencies sa ating bansa. Hindi ba tayo dapat mag-usisa at alamin bakit sila nandyan at kung ano talaga ang ginagawa nila dyan,” aniya.

Photo credit: House of Representatives Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila