Sinigurado ni Vice President Sara Duterte na hindi na magiging isyu ang confidential funds sa kanyang opisina matapos sabihing wala na sa plano ng Office of the Vice President (OVP) ang request for confidential funds sa susunod na taon.
Sa pahayag ng bise presidente matapos ang kanyang 2024 OVP Pasidungog awarding ceremony sa Cebu, sinabi ni Duterte na hindi na sila nag-request para sa karagdagang funds para sa 2025.
“For the Office of the Vice President, no, wala kaming proposal ng confidential funds for [next year],” aniya.
Ito’y matapos maglabas ang Department of Budget and Management ng kanilang proposed 2025 budget na nagkakahalaga ng P6.352 trillion.
Matatandaang nabasura ng Kongreso ang request na confidential and intelligence funds ng OVP para sa 2024 na nagkakahalaga ng P500 million matapos ang kwestiyonableng P125 million confidential funds ng opisina noong 2022 na nagastos umano sa loob lamang ng 11 days.
Kaugnay nito, isiniwalat ni Senador Sonny Angara na ayon sa pahayag ni Duterte ay bibitawan na nila ang request for confidential funds dahil nagkakaroon lamang aniya ito ng mahabang diskusyon sa taumbayan at nangako na siyang panatilihing “peaceful and strong” ang bansa.