Naglabas kamakailan ng resolution ang Commission on Elections (Comelec) na nag-uutos sa mga kandidato at political parties na gagamit ng internet at social media para sa pangangampanya sa 2025 midterm polls na magpa-rehistro ng kanilang mga account sa Comelec-Education and Information (IED).
Batay sa resolution na nilabas ng poll body noong Setyembre 17, ang mga official na social media accounts, pages, websites, podcasts, blogs, vlogs, at iba pang online at internet-based campaign platforms ng mga kandidato at parties na nagnanais makilahok sa mga halalan at kanilang mga kani-kanilang campaign teams na pangunahing dinisenyo para itaguyod ang eleksyon o talunin ang isang partikular na kandidato o mga kandidato ay dapat magparehistro sa Comelec-EID sa loob ng 30 calendar days pagkatapos ng pagsusumite ng Certificates of Candidacy (COCs) o mula Nobyembre 8 hanggang Disyembre 13 ng taong ito.
Ang Comelec ay tatanggap ng mga COCs mula Oktubre 1 hanggang 8.Â
Sabi pa ng Comelec, tanging mga kandidato at kanilang mga authorized representative lamang ang pwedeng magpasa ng registration form. Kasama na dito ang authorized representatives ng mga rehistradong political parties/coalitions, at party-list organizations.
Magtatalaga ang Comelec ng official online channel para sa pagpasa ng mga nasabing forms.
Kasama sa nailabas na resolution ng Comelec ang mga bagay na ipinagbabawal gawin tulad ng:
- pag-gamit ng “false amplifiers,” tulad ng fake accounts, bots, at astroturf groups na puno ng fake users para magpalaganap ng disinformation at misinformation sa pag-endorse o kampanya laban sa isang kandidato, political party/coalition, o party-list organizations;
- papapalaganap ng disinformation, o misinformation na tumatarget sa Philippine election system, sa Comelec, at electoral processes nito habang election at campaign period;
- coordinated inauthentic behavior at utilization of hyperactive users sa nasabing mga layunin;
- paglikha at pamamahagi ng deepfakes, cheapfakes, at soft fakes para sa nasabing mga layunin;
- paggamit ng mga pekeng at hindi rehistradong social media accounts sa panahon ng eleksyon at pangangampanya para sa parehong layunin;
- paglikha at pamamahagi ng fake news upang isulong ang nasabing mga layunin.
Ayon sa Comelec ang mga gawaing ito ay lumalabag sa Section 261 (z) (11) ng Omnibus Election Code.
Photo credit: Facebook/comelec.ph