Sunday, December 22, 2024

Galit Na! Karamihan Ng Pinoy Pabor Sa Protesta Laban China – Zubiri

9

Galit Na! Karamihan Ng Pinoy Pabor Sa Protesta Laban China – Zubiri

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ibinunyag ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na lagpas kalahati ng mga Pilipino ay pabor na makipagtulungan ang bansa sa United States (UN) upang maresolba ang territorial disputes sa China hinggil sa sigalot sa West Philippine Sea.

Ayon sa pinakabagong Pulse Asia survey, 75% ng mga Pilipino ang sang-ayon nang tanungin kung pabor sila sa pagpapatibay ng military ties ng Pilipinas sa United States sa kabila ng tensyon sa West Philippine Sea, 14% naman ang hindi sang-ayon.

“Napakalaki ng disparity, Ibig pong sabihin, nagagalit na po ang ating mga kababayan…sawang-sawa na po sila sa pagpasok ng Tsina dito sa ating bansa, lalo na sa mga incursions sa Reed Bank na napalakapit na po sa El Nido, sa Coron,” pahayag ni Zubiri.

Inaasahan ang nalalapit na pag-apruba ng Senado sa resolusyon na humihimok sa administrasyon na ibalik sa United Nations General Assembly ang isyu hinggil sa West Philippine Sea, sa gitna ng patuloy na pananalakay ng China.

“Ako po ay sumang-ayon sa plano ni Senator Risa Hontiveros na magpasa ng isang resolution asking the government to file a protest at the Hague, sa arbitration ruling of the West Philippine Sea,” saad ng mambabatas.

“We should not stop at just the arbitral ruling, but we should also follow up with the Hague on what is actually going on, on the ground, with China, halos araw-araw ang mga illegal incursions ng China dito sa ating teritoryo.”

Hinimok niya na iharap sa UN ang mga video at litrato ng pagsalakay sa Pilipinas bilang ebidensya ng paulit-ulit na paglusob at paglabag ng China laban sa Hague arbitral ruling sa West Philippine Sea, at pati na rin sa mga karatig bansa, kasama ang patuloy na pagbawi sa teritoryo sa loob ng Exclusive Economic Zone at ang paghadlang sa paglalayag sa mga lugar na itinuturing na international waters.

Inaasahan niya na sa unang linggo ng pagbabalik ng sesyon ng Senado ay mailatag na sa kalendaryo ng plenaryo ang resolusyon ni Hontiveros.

“By Tuesday, pag-debatihan po natin ‘yan. I’m sure we can get the majority to vote in favor of this resolution,” pagtatapos niya. 

Photo credit: Facebook/coastguardph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila