Friday, January 17, 2025

Garin: Gawing Alternatibo Ang Kamote Sa Kanin, French Fries

6

Garin: Gawing Alternatibo Ang Kamote Sa Kanin, French Fries

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Bilang dagdag nutrisyon at matugunan ang problema sa kakulangan ng bigas, inatasan ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin ang Department of Agriculture (DA) na palakasin ang produksyon ng kamote habang hinimok nito ang mga restaurant at karinderya sa buong bansa na gawing alternatibo sa isinisilbing kanin ang kamote.

Sinabi niya ito dahil sa banta ng rice shortage sa susunod na taon. Ang kakulangan ng supply ay sa kabila ng mababang output ng palay dulot ng pagmamahal ng mga materyales at pagkasira ng mga palayan dahil sa mga dumaan na bagyo, ayon sa iba’t ibang farmers groups.

Ayon sa dating Health secretary, hindi dapat kalimutan na malaking bahagi ng malnutrisyon ay “self-inflicted” o gawa din ng may sariling katawan, upang matugunan ito ay panahon na para magkaroon ng  food alternatives gaya na lang sa kanin.

“Hindi na dapat “rice is life”. We call on restos to use kamote as alternative to rice and use kamote as french fries. What we need now is kitchen innovations,” paliwanag niya sa isang pahayag.

Dagdag ng mambabatas na panahon na para bantayan ang dami nang kinokonsumong kanin dahil “idinudugtong din ang mataas na konsumo ng kanin sa pagkakaroon ng Type 2 diabetes ng mga Pinoy.”

Sinabi niya na kung may food option sa mga menu ng mga restaurants lalo pagdating sa kanin ay tiyak na simula na din itong magugustuhan ng mga Pinoy.

“Kamote is more filling and suppresses hunger pangs longer. Rice cannot match the nutritional values of kamote because rice converts to sugar in the body, that makes one vulnerable to diabetes,” pahayag ni Garin.

Aniya, na isang doctor, may benepisyo ang kamote tulad ng pagbaba ng hypertension, cholesterol at blood sugar.

Sa ibang bansa gaya ng South Korea, Japan at Estados Unidos, itinuturing ang kamote bilang “superfood” at kabilang ito sa kanilang pang araw-araw na diet habang sa Pilipinas na may malaking produksyon ng kamote ay isinasantabi lang ito, sabi ni Garin.

Minungkahi niya sa DA na tutukan at i-promote ang kamote bilang alternatibo sa kanin.

Aniya, 2011 pa nang simulang isulong ng ahensya ang kamote bilang rice alternative subalit hindi ito nagtagumpay dahil na rin sa mahinang promosyon.

Matatandaang hinimok ni dating Agriculture Secretary Proceso Alcala noong 2011 ang mga Pilipino na kumain ng kamote at white corn upang maibsan ang demand sa kanin. 

Dagdag ni Garin na upang makamit ang kamote bilang rice alternative ay dapat tutukan una ng Agriculture department ang pagbalangkas ng mga programa para mapataas ang produksyon ng kamote habang ipinapanukala din nitong bigyan ng insentibo ang mga restaurants na gagamit ng kamote bilang pamalit sa kanin o sa french fries.

Photo Credit: Facebook/janetteloretogarin

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila