Friday, January 10, 2025

Garin Hiniling Na Bayaran Ng DSWD Sa CHED Ang P4M Student Loan

3

Garin Hiniling Na Bayaran Ng DSWD Sa CHED Ang P4M Student Loan

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hiniling ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin na tulungan ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ang 338 low-income students sa pagbabayad ng P4.4 million na utang sa Commission on Higher Education (CHED).

Iginiit niya sa isang pahayag ngayong Biyernes na dahil ang mga estudyante ay nakatanggap ng labis na halaga ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng scholarship program ng gobyerno, dapat nilang bayaran ang CHED para sa utang.

Kinumpirma ni CHED Chairperson Prospero de Vera na kamakailan lamang ay nagpadala na sila ng notice of payment sa mga mag-aaral na karamihan ay taga-Rehiyon 2 at 5, at sinisingil nila ang mga ito para ibalik ang nakuhang double scholarship na aabot sa P15,000. Ang Commission on Audit (COA) ay naglabas ng Notice of Disallowance sa CHED matapos lumabas sa kanilang audit na may mga estudyanteng nakakakuha ng dalawang magkaibang uri ng scholarship grant kahit na ito ay ipinagbabawal, ani Garin.

“We are humbly asking Social Welfare Secretary Ewin Tulfo, may mga programa sila gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation na maaaring paghugutan para makabayad na ang ating mga estudyante sa CHED. This is to free them from debt at wala na silang alalahanin na may utang silang dapat na bayaran, malaki ang halaga na ito na baka ipangutang pa din ng mga estudyante o ng kanilang magulang,” pahayag niya.

Karamihan sa mga nakatanggap ng double scholarship, sa palagay ng mambabatas, ay walang kaalam-alam sa patakaran ng COA, kaya’t kung sila ay kakasuhan, walang alinlangan na dagdag na pasanin ito.

“Gustuhin man ng CHED to allow double scholarship dahil may ilang estudyante na kailangan naman talaga ng dagdag na pinansyal na tulong ay tali ang kanilang kamay dahil sa patakaran ng COA na sa isa programa lang pwede mag-avail ng scholarship. Kung nakapag-avail na ng scholarship under CHED Scholarship Program ay hindi na pwedeng maging scholar ng Department of Science and Technology or sa ibang pang government scholarship programs,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Garin na nadiskubre ang disallowance noong 2018 pa, ngunit hindi na naulit ang sitwasyon mula nang magkaroon ng sistema para matiyak na hindi magdodoble ang scholarship grant.

“This have not been repeated because safeguards have been installed which includes an updated system for Local Universities and Colleges and State Universities and Colleges where they can check the list of students who have availed of the scholarship programs. The CHED have also assured us that they will be more aggressive in informing the general public not to avail duplicate scholarships since the risks of reimbursing is really there,” paliwanag pa niya.

Sa ngalan ng CHED, ipinahayag ni Executive Director Cindy Jaro na sinusuportahan nila ang petisyon ni Garin sa Department of Social Welfare and Development at binanggit ang kanilang patakaran na nagbabawal sa mga naka-enroll na estudyante na tumanggap ng tulong pinansyal hanggang sa maibigay nila ang reimbursement habang hinahabol din ang mga nagtapos upang magbayad.

Ayon kay Garin, ang CHED ay may mandato na magbigay ng financial assistance sa pamamagitan ng scholarships sa mga kuwalipikado na mahihirap at walang tirahang estudyante sa ilalim ng Republic Act (RA) 7279, persons with disability sa ilalim ng RA 7277, solo parents at kanilang dependents sa ilalim ng RA 8972 at indigenous people sa ilalim ng RA 8371.

Photo Credit: House of Representatives Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila