Friday, January 17, 2025

Garin Sa DOH: Dapat May Nakahandang Gamot Sa Leptospirosis Sa Mga Barangay, Evacuation Centers

54

Garin Sa DOH: Dapat May Nakahandang Gamot Sa Leptospirosis Sa Mga Barangay, Evacuation Centers

54

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin sa Department of Health (DOH) na dapat may nakahandang doxycycline sa mga evacuation center para magamit agad ito tuwing may kalamidad.

Ang doxycycline ay isang gamot na ginagamit upang mapigilan ang pagkakaroon ng leptospirosis. Epektibo ang gamot upang hindi gaanong lumala at tumagal ang sakit.

Iminungkahi ito ni Garin pagkatapos nahirapan kumuha ng doxycycline sa mga DOH regional office ang mga local government unit (LGU) dahil sa mga nasirang daan at tulay dulot ng bagyong Paeng.

May P31 million na halaga ng gamot ang hinanda para sa pananalasa ng bagyong “Paeng” ngunit hindi agad ito nakuha ng mga LGU mula sa mga opisina ng Health department.

Sa unang distrito ng Iloilo, inabot ng anim na araw mula sa pagtama ng bagyo bago sila nakakuha ng gamot habang ang ibang lugar ay hindi pa nakakakuha ng supply ng gamot, ayon kay Garin.

Aniya, na isang doctor, ang leptospirosis ay isang sakit na pwede pigilan ngunit “huli na yung prophylaxis na para sana sa prevention.” Dagdag niya, dapat gamitin agad ang doxycycline upang maging epektibo ito laban sa banta ng leptospirosis.

“Yung oras ay mahalaga, makainom agad lalo na yung mga high risk individuals pero ang naging problema ay naputol na ang communication lines, nasira ang tulay, may ginagawang clearing operations kaya paano mapick up ang gamot, matatagalan talaga. So nawala na yung importansya nito na para sana sa prevention,” sabi ni Garin.

Umaasa siya na irerepaso ng DOH ang polisiya sa pamamahagi ng doxycycline dahil napakahalaga ng gamot sa pagpigil ng leptospirosis tuwing may kalamidad.

“We are proposing a more practical and responsive solution to prevention of leptospirosis. We should target zero leptospirosis post-flooding. Hinahabol natin ang protection because leptospirosis easily reaches irreversible stage. Prevention is still the best,” giit ni Garin.

Sa ilalim ng “Interim Guidelines on the Prevention of Leptospirosis through the Use of Prophylaxis in Areas Affected by Floods” ng Health department, ang doxycycline ay dapat ginagamit 24 hanggang 72 oras pagkatapos ma-expose sa kontaminadong tubig.

Ang leptospirosis ay nakukuha sa tubig na kontaminado ng ihi ng may sakit na daga o iba pang hayop.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay maaaring maramdaman sa 2 hanggang 14 araw pagkatapos ma-expose. Mataas na lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pamumula ng mga mata, pananakit ng tiyan, paninilaw ng balat, pagdurugo ng balat at mucous membranes, pagsusuka, pagtatae, at pantal sa balat ang mga sintomas ng leptospirosis.

Nakakapasok ang sakit sa mga mga sugat at galos sa balat at iba pang parte ng katawan tulad ng mata, ilong, at bibig. Kapag hindi agad naagapan, maaring magdulot ng komplikasyon sa atay at bato, respiratory distress, at pagkamatay.

Pinapayuhan ng DOH ang publiko na iwasang lumusong sa baha at gumamit ng bota kung kinakailangang lumusong sa tubig.

Photo Credit: Philippine News Agency

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila