Monday, January 20, 2025

Gatasang POGO Raids! Tulfo Binatikos Ang Maanomalyang Hulihan

21

Gatasang POGO Raids! Tulfo Binatikos Ang Maanomalyang Hulihan

21

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binatikos ni Senador Raffy Tulfo ang isinagawang raid ng mga awtoridad sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) facility sa Las Piñas noong June 27 at ang kawalan ng koordinasyon ng mga sangkot na ahensya sa nasabing raid operations. 

Lumipas ang labintatlong araw matapos ang raid ngunit hindi pa rin malinaw para sa kanya ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa POGO-related crimes at sa mga taong nasa likod nito. 

Kinwestiyon ni Tulfo ang ginawang pagpapalaya sa lahat ng Pilipinong nahuli nang walang maayos na imbestigasyon para malaman kung sila nga ba ay sangkot sa mga krimen tulad ng human trafficking at love scam.

Binatikos din niya ang mabagal na aksyon ng Bureau of Immigration na saka lamang dumating sa POGO facility noong July 4, anim na araw matapos ang raid. Marami nang nangyaring katiwalian at nagkabayaran na. 

“Ginagawang gatasan lang ng mga awtoridad ang mga raid ng POGO hub kung saan napakaraming lapses at mishandling na nangyayari.”

Ibinunyag ng mambabatas na ayon sa kanyang reliable source sa Camp Crame, ginagawang parang gatasan lang ng raiding team ang mga banyagang nahuli sa pamamagitan ng paghuthot ng pera kapalit ng kalayaan ng mga ito. Mayroon pang tawarang nagaganap bago matubos ang mga nahuling banyaga.

“Nagkakatawaran pa bago matubos ang foreign nationals mula sa kustodiya ng mga pulis. Yung mga Pilipinong kasabwat naman sa kabulastugang ito, imbes na masampahan ng kaso sa korte, ay nabibigyan pa ng ayuda dahil pinalalabas na biktima!” 

Ayon pa kay Tulfo, kaya malakas ang loob ng mga ilegal na POGO facility ay dahil may mga kasabwat itong mga Pilipino na tumutulong sa kanilang makagawa ng mga ilegal na aktibidad.

Naghain siya ng isang Senate resolution bunsod ng kawalan ng koordinasyon ng law enforcement at iba pang ahensya ng gobyerno. Ito ay para maimbestigahan ang nasabing raid at mapanagot ang lahat ng mga tao sa likod ng POGO-related illegal activities. 

“Kaya nagpasa ako ng Resolusyon sa Senado para mapatigil na itong moro-moro at hao-xiao na raid na ito!”

Sa kasalukuyan, mayroon pa ring mga foreign national ang nakapiit at hindi pa napoproseso ng immigration. Hindi pa rin malinaw kung sila ay sasampahan ng kasong kriminal o irere-patriate.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila