Friday, January 17, 2025

Gatchalian: Halos 2% Lamang Ng Pampublikong Paaralan Ang May Libreng Wi-Fi

24

Gatchalian: Halos 2% Lamang Ng Pampublikong Paaralan Ang May Libreng Wi-Fi

24

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinuna ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Information and Communications Technology (DICT) tungkol sa datos na 1.8 porsyento lamang ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang may libreng Wi-Fi.

Sa kanyang interpolation sa panukalang pondo ng DICT, binigyang-diin ni Gatchalian ang Republic Act (RA) No. 10929 o ang Free Internet Access in Public Spaces Act na nagtatakda sa ahensya na maglagay ng libreng internet sa mga pampublikong paaralan. Limang taon na noong maisabatas ang RA 10929.

“Ang ating mga mag-aaral ang makikinabang dito dahil paiigtingin nito ang pagdaloy ng impormasyon, lalo na para sa mga kababayan nating nangangailangan,” aniya.

Hinimok din niya ang kagawaran na tiyaking maaabot nito ang itinakdang target sa paglalagay ng libreng internet sa mga pampublikong lugar, kabilang na ang mga paaralan.

Ayon sa naitala noong Setyembre 2, 2022 ng Free Public Wi-Fi Dashboard, 860 lamang sa 47,421 na mga pampublikong paaralan sa bansa ang may libreng Wi-Fi.

Lumalabas din sa datos na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga pampublikong paaralan na may libreng Wi-Fi mula noong Oktubre 2021. Noong panahong iyon, nasa 1,190 o 2.5 porsyento ng mga pampublikong paaralan ang may libreng Wi-Fi.

Mas bumaba sa 945 ang mga pampublikong paaralan na may libreng Wi-Fi noong Enero, ayon sa nasabing dashboard.

Ayon sa isang survey ng World Bank noong 2021 sa mga sambahayang nangangailangan, 40 porsyento lamang ang may access sa internet. Lumabas din sa naturang survey na 95.5 porsyento ng mga naturang sambahayan ay gumamit ng mga papel na modules at learning materials.

Sinabi ng chairman ng Senate Committee on Basic Education kung paano nabigyang diin ng pandemya ang “digital divide,” lalo na noong ipatupad ang distance learning kung saan kinailangan ang maayos at mabilis na internet.

Sa ilalim ng panukalang national budget para sa 2023, P2.5 bilyong ang nakalaan para sa pagpapatupad ng RA 10929.

Layunin ng RA 10929 na maglagay ng libreng internet sa mga pampublikong lugar. Layon din ng batas na maglagay ng libreng Wi-Fi sa mga pampublikong paaralan, mga alternative learning system centers, mga state university and college, mga Technical Education and Skills Authority technology institution, at iba pa.

Samanatala, inihain ni Gatchalian ngayong taon ang Proposed Senate Resolution No. 59 upang repasuhin ng Senado ang pagpapatupad ng Free Internet Access in Public Places Act at sa Open Distance Learning Act (Republic Act No. 10650).

Photo Credit: https://www.pna.gov.ph/photos/45171

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila