Thursday, January 16, 2025

Gatchalian Nanawagan Sa Senado Kontra Sa Pagkalat Ng Spam At Phishing Messages

3

Gatchalian Nanawagan Sa Senado Kontra Sa Pagkalat Ng Spam At Phishing Messages

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dahil sa patuloy na pagdami ng mga spam at phishing messages nitong nakaraang buwan, naghain ng resolusyon si Senador Win Gatchalian sa Senado para sa agarang imbestigasyon nito, ikinababahala rin ng senador ang pagkakalabag ng karapatan ng mga konsumer sa kanilang seguridad at right to privacy. 

Sa kabila ng pahayag ng mga telecommunication providers na sila ay nakapag-block na ng maraming spam at phishing numbers, sa palagay ni Gatchalian ay isang malaking problema pa rin ito.

“It is alarming that while major telecommunications providers claim to have already blocked a significant number of spam and phishing text messages, the problem continues to hound many telco subscribers,” he said.

Dagdag pa niya, lubos na nakababahala ang pag-improve sa pagkakasulat ng mga messages na ngayon ay naglalaman na rin ng pangalan ng receiver, isang patunay na ang mga scam text messages ay patuloy na nag-dedevelop.

Ang paglalagay ng pangalan ng receiver sa mga spam at phishing messages ay nagpapahiwatig na maaring may breach na sa seguridad at right to privacy ng mga konsyumer na siya namang posibleng magdulot ng stress at takot sa kanila dahil sa pangamba na ang kanilang mga impormasyon ay nabuksan nang lingid sa kanilang kaalaman.

Iminungkahi ng Senador na ang gobyerno ay dapat bumuo ng mabisang hakbang upang matigil ang pagkalat ng mga text messages na nangunguha ng personal na impormasyon lalo na’t ang ilan dito ay mukhang kapanipaniwala kaya’t lubhang delikado na makakuha ng mga importanteng data gaya ng username, password, at mga impormasyon sa banko. 

Isang interagency group na pinangungunahan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center at kinabibilangan naman ng Department of Information and Communications Technology, National Privacy Commission, National Telecommunications Commission, Department of Justice, National Security Council, at Anti-Money Laundering Council ang binuo nitong Nobyembre ng nakaraang taon upang labanan ang mga mapanlinlang na scam messages.

Gayunpaman, binigyang diin ni Gatchalian ang pinaka bagong data na nagsasaad na ang problema ay lubhang nakababahala pa rin para sa milyon-milyong users sa kabila ng mga pamamagitan ng naturang interagency group.

Dagdag pa niya, nitong nakaraang Hunyo ay nagreport ang PLDT na nakapagpatigil ito ng 23 milyong text message na sumusubok kumuha ng impormasyon sa kanilang mga konsyumer sa loob lamang ng apat na araw. Ang Globe Telecom naman ay nakapag-ulat ng higit 138 milyong text message na kanilang na-block sa loob ng anim na buwan nitong Enero hanggang Hunyo ng 2022.  

“Malinaw na hindi sapat ang mga hakbang na ginawa ng inter-agency group upang matugunan ang problemang ito dahil ang mga subscribers ay patuloy na nakakatanggap ng mga spam at phishing messages. Higit pang mga interbensyon ang kailangan gawin ng gobyerno para epektibong matuldukan ang mga ganitong mga gawain,” ani Gatchalian.

Photo credit: Sen. Win Gatchalian website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila