Tuesday, November 26, 2024

Gatchalian, Pinatitiyak Ang Maayos Na Pagtuturo Ng GMRC, Values Education

70

Gatchalian, Pinatitiyak Ang Maayos Na Pagtuturo Ng GMRC, Values Education

70

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyakin ang wastong pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education sa mga paaralan sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi niya na isang oportunidad ang 100 percent face-to-face classes upang paigtingin ang pagpapatupad ng mga character-building activities na mandato ng Republic Act No. (RA) 11476 o ang GMRC and Values Education Act.

Sa ilalim ng nasabing batas na inisponsor ni Gatchalian noong 18th Congress, ginawang institutionalized ang pagtuturo ng GMRC at Values Education sa K to 12 Curriculum. Naisabatas ito noong Hunyo 2020. 

“Upang matiyak natin na ang ating mga kabataan ay magiging mabuting mamamayan, kailangang tiyakin natin ang maayos na pagtuturo ng GMRC at Values Education. Napapanahon din ang pagpapaigting sa pagtuturo ng GMRC at Values Education lalo na’t bumalik na ang ating mga mag-aaral sa face-to-face classes. Matapos ang dalawang taon ng distance learning, sa wakas ay mas mapapalalim na ang karanasan ng ating mga kabataan pagdating sa GMRC at Values Education” dagdag ni Gatchalian.

Pinanawagan din ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education ang maayos na pagtuturo ng GMRC at Value Education Act ngayong ipinagdiriwang ang Filipino Values Month.

Ang values education at character-building activities ay makakatulong upang matugunan ang lantarang mga insidente ng bullying sa mga paaralan, dagdag niya.

Ayon sa 2018 Programme for International Student Assessment (PISA) na 65 porsyento ng estudyante sa Pilipinas ay nakararanas ng ilang insidente ng bullying sa loob ng isang buwan. Mas mataas ito sa average na 25 porsyento na naitala sa halos 80 o 79 na bansang lumahok sa pag-aaral.

Lumabas din sa resulta ng PISA na mataas ang posibilidad para sa bully at ang kanilang mga biktima na hindi pumasok sa kanilang mga klase, magkaroon ng mas mababang mga marka, at mag drop out sa kanilang mga paaralan.

Sa ilalim ng RA 11476, ang GMRC ay ituturo sa grades 1 hanggang 6 habang ang Values Education ay pag-aaralan naman ng grades 7 hanggang 10. Kabilang na ang Values Education sa mga kurso ng grades 11 at 12.

Tinanggal ang GMRC noong 2013 kung kailan ipinatupad ang K-12 curriculum.

Photo Credit: Twitter/pnagovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila