Saturday, January 11, 2025

Gatchalian Sa Distribution Utilities: Mangontrata Ng Mas Maraming Renewable Energy

0

Gatchalian Sa Distribution Utilities: Mangontrata Ng Mas Maraming Renewable Energy

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga distribution facility na kumontrata ng mas maraming renewable energy o RE dahil ang naturang hakbang ay pakikinabangan ng mga consumers sa gitna ng umiiral na global energy risks.

Ang panawagan niya ay kasunod ng naging desisyon ng Department of Energy o DOE na taasan ang porsyento ng paggamit ng RE para sa on-grid areas mula 1 porsyento hanggang 2.52 porsyento, na magiging epektibo pagdating ng 2023.

“Makabuluhan ang mas mataas na porsyento ng paggamit ng renewable energy. Ito ay dapat mag-udyok sa mga distribution utilities na isaalang-alang ang pagkontrata ng mas maraming renewable energy upang hadlangan ang fuel pass-through sa gitna ng pabago-bagong presyo ng gasolina,” sabi ni Gatchalian sa isang pahayag.

Aniya, mahalaga ang RE sa sustainable energy agenda ng pamahalaan. Noong 2021, umabot na sa 22.40 porsyento ang ambag ng RE sa kabuuang energy mix sa bansa, 58.48 porsyento ang coal-based power plants, samantalang nasa 1.52 porsyento at 17.60 porsyento naman ang oil-based power plants at natural gas power plants.

“Napapanahon na para lalo nating pabilisin ang paggamit ng renewable energy sa bansa. Dahil sa mataas na presyo ng fossil fuel, gayundin ang climate change, wala tayong ibang solusyon kundi ang pagpapaunlad ng green energy,” ayon kay Gatchalian.

Aniya, sa ngayon, may kabuuang 998 RE contracts na may katumbas na humigit-kumulang P270 bilyon na investments na inaprubahan ng Energy department. Ang mga naturang kontrata ay may pinagsama-samang kapasidad na 5,460 megawatts at potensyal na kapasidad na 61,613.81 megawatts.

“Patuloy ang pag-angat ng renewable energy dahil na rin sa paggamit ng bagong teknolohiya. Ang pagtutulak ng DOE na taasan pa ang utilization percentage para sa renewable energy ay maaaring makahikayat sa ating distribution utilities sa pagkontrata ng ganitong enerhiya para na rin sa energy security ng bansa,” dagdag ni Gatchalian.

Photo Credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila