Saturday, April 27, 2024

Gatchalian Sa DPWH: Magplano Para Mapabilis Ang Pagpapagawa Ng Mga Silid-Aralan

0

Gatchalian Sa DPWH: Magplano Para Mapabilis Ang Pagpapagawa Ng Mga Silid-Aralan

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hiniling ni Senator Win Gatchalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsumite ng plano para sa pagpapabilis ng pagtatayo ng mga silid-aralan at pasilidad pang-edukasyon sa buong bansa.

Sa kanyang interpellation sa panukalang 2023 budget ng DPWH, binigyang diin ni Gatchalian na may P3.1 bilyong nakalaan para sa School Building Program ngayong taon. Ngunit buhat noong Setyembre, mahigit P30 milyong pa lamang, o wala pang isang porsyento ng kabuuang pondo, ang nadi-disburse.

Ayon sa DPWH, ang School Building Program sa ngayon ay nakatanggap ng P2.78 bilyon sa kabuuan. Isang Special Allotment Release Order na may kabuuang P409 milyon ang ibinigay sa departamento noong Hunyo ng nakaraang taon para sa School Building Program. Bukod pa rito, binigyan ang Kagawaran ng SARO na P2.64 bilyon noong Oktubre. Kasalukuyan namang isinasagawa ang bidding para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan na ito.

Ayon kay Gatchalian, na chairman ng Senate Committee on Basic Education, “nakaranas tayo dati ng pagkaantala sa school building program dahil kailangan pang ilipat ang pondo ng Department of Education (DepEd) papunta sa DPWH, samantalang ang DPWH naman ang magpapatayo ng mga classroom at school building na madalas inaabot ng isang taon.”

Sa pagtalakay sa panukalang budget ng DepEd, nadiskubre na mayroong kakulangan sa buong bansa na 167,901 silid-aralan batay sa 2019 National School Building Inventory. Mahigit P419 bilyon ang kailangan para sa pagtatayo ng mga silid-aralan na ito.

Upang matugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan sa buong estado, itinaguyod ni Gatchalian ang pagtatatag ng counterpart scheme kung saan ang DepEd ay nagbibigay ng 50 porsyento ng pondong kailangan para sa mga silid-aralan at mga gusali ng paaralan, at ang lokal na pamahalaan ay nag-aambag ng natitirang 50 porsyento. Ayon sa kanya, may ganitong programang ipinatupad na noong siya ay naninilbihan pa bilang alkalde ng Lungsod ng Valenzuela.

“Maliban sa General Appropriations Act, may iba pa tayong maaaring pagkunan ng pondo, lalo na’t kinakailangan nating maging maparaan pagdating sa usapin ng pondo at pagpapatayo ng mga silid-aralan,” pahayag ng mambabatas.

Photo Credit: Philippine News Agency

President In Action

Metro Manila