Friday, January 10, 2025

Gatchalian Sa LGUs: Pagbabakuna Ng Mga Kabataan Paigtingin

12

Gatchalian Sa LGUs: Pagbabakuna Ng Mga Kabataan Paigtingin

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinihimok ni Senador Win Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan o local government unit (LGU) na paigtingin ang kanilang programa sa pagbabakuna upang maiwasan ang outbreak ng mga vaccine-preventable diseases.

Ito’y matapos iulat ng Department of Health (DOH) na may isang milyong sanggol sa Pilipinas na mas bata sa isang taong gulang ang hindi pa nababakunahan. Ayon pa sa Health department, ang Pilipinas ang isa sa sampung bansa na may pinakamababang bilang ng mga batang nabakunahan. Pinangangambahan din ng ahensya na baka magkaroon ng measles outbreak kung nananatiling mababa ang bilang ng mga kabataang bakunado.

Ayon kay Gatchalian, dapat maging agresibo ang pamahalaan pagdating sa pagbabakuna lalo na’t naantala ito noong sumiklab ang pandemya ng Covid-19.

“Maraming beses nang napatunayan ng agham na ligtas at mabisa ang mga bakuna laban sa pagkakasakit. Kaya naman sa tulong ng ating mga lokal na pamahalaan, dapat nating tiyakin na ang ating mga programa para sa pagbabakuna ay maabot lahat ng mga sanggol,” aniya sa isang pahayag.

Bagama’t nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga medical societies at grupo ng mga pediatric doctors, binigyang diin ng senador ang mahalagang papel ng mga local government para sa mabilis na pagpapatupad ng mga programa para sa pagbabakuna. Sa ilalim ng Expanded Program on Immunization (EPI), ipinapatupad ang Reaching Every Barangay Strategy (REB) upang mabigyan ang mas maraming kabataan ng mga routine vaccines. Tinitiyak din ng EPI na lahat ng mga health center at barangay health station ay may isang kawaning may sapat na training sa REB.

Mahalaga din ang papel ng mga local government sa ilalim din ng Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011 (Republic Act No. 10152) na layong bigyan ng libre at mandatory immunization ang nga batang hanggang limang taong gulang. Responsibilidad, halimbawa, ng mga local government, kasama ng ibang ahensya ng pamahalaan, non-government organizations, at iba pang mga professional academic societies na tiyaking may sapat na information materials na ipapamahagi sa publiko, dagdag niya.

Sinabi pa ni Gatchalian na dapat ding alalayan ng mga local government ang Health department, kasama ang akademya, mga professional societies, at non-government organizations sa information, education, at training programs para sa lahat ng mga health personnel pagdating sa mga benepisyong hatid ng pagbabakuna.

Photo Credit: Facebook/WinGatchalian74

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila