Saturday, January 11, 2025

Gatchalian Sa Mga Text Scammer: Bilang Na Ang Mga Araw Niyo

3

Gatchalian Sa Mga Text Scammer: Bilang Na Ang Mga Araw Niyo

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagbabala si Senador Win Gatchalian sa mga indibidwal o grupo na nagpapadala ng mga text scam at phishing message at sinabing nauubos na ang kanilang oras habang minamadali ang pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon para sa Subscriber Identity Module (SIM) Registration Law bago tuluyang maipatupad ang batas.

“Napansin namin na patuloy ang paglaganap ng mga scam at phishing messages kahit na naipasa na ang batas. Pero umaasa tayong mababawasan na ang bilang ng mga kawatan habang papalapit na ang pagpapatupad ng batas na magsisimula sa Disyembre 27,” aniya.

Sa Disyembre 5, ang National Telecommunications Commission ay magsasagawa ng pampublikong pagdinig sa mga kumpanya ng telecom sa bansa at iba pang stakeholder para isapinal ang patakaran at regulasyon ng batas, na kilala rin bilang Republic Act No. 11934.

Ang mga SIM card ay naka-deactivate kapag naibenta at maaari lamang i-activate sa panahon ng pagpaparehistro, kung saan dapat ipakita ang mga lehitimong ID. Bukod pa rito, ang paggamit ng SIM card para magsagawa ng mga mapanlinlang na aktibidad, gayundin ang pagpaparehistro ng SIM card gamit ang hindi totoo o kathang-isip na impormasyon, kathang-isip na pagkakakilanlan, o pareho, ay sasailalim sa naaangkop na mga parusa.

Itinakda pa ng batas na ang mga telco subscribers na mayroon nang SIM card ay kailangang magparehistro sa kani-kanilang mga telco provider sa loob ng isang takdang panahon o sila ay posibleng putulan ng network.

Ayon kay Gatchalian, inaasahang magiging “game changer” ang batas sa paglaban sa mga online scam at iba pang banta sa cybersecurity.

“Kumpiyansa tayo na ang pananagutan na nakasaad sa batas ay isang malaking paraan para mahadlangan ang mga online scam,” aniya.

“Matagal nang panahon na nagdudulot ng panganib at pangamba ang mga scam at phishing text messages na ito sa maraming telco subscribers sa bansa. Panahon na para matuldukan ang ganitong mga gawain, mabigyan ng maayos na seguridad ang mga telco subscribers, at panagutin ang mga kawatan,” dagdag ng mambabatas.

Photo Credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila