Saturday, January 11, 2025

Gatchalian Sa NGCP: Mangontrata Ng Ancillary Services

6

Gatchalian Sa NGCP: Mangontrata Ng Ancillary Services

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa hangarin na matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente, muling ipinanawagan ni Senador Win Gatchalian sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na tuparin ang mandato nito sa pagkontrata ng mga ancillary services.

Dahil ang Pilipinas ay laging nasasalanta ng bagyo na siyang nagiging dahilan din ng pagkawala ng kuryente, importanteng mapanatili ito para sa mga kritikal na imprastraktura na kinakailangan sa panahon ng mga kalamidad, aniya sa isang pahayag.

“Ang daloy ng kuryente ay dapat laging maaasahan upang matiyak ang maayos na pagpapatakbo ng mga pasilidad at maiwasan ang pagkawala ng kuryente na nakakasama sa ating ekonomiya. Kailangan lang gawin ng NGCP ang trabaho nito na mangontrata ng ancillary services,” dagdag ni Gatchalian.

Ang panawagan niya ay kasunod ng pag-akyat noong nakaraang buwan ng grid status sa Luzon sa red alert mula sa yellow alert na nagdulot ng rotational brownout sa ilang probinsiya nang bumagsak at bumaba ang output ng ilang planta.

Kritikal ang pagkontrata ng ancillary services, ng vice chairman ng Senate Committee on Energy, lalo na’t may 899 megawatts (MV) na ancillary services na nakatakdang mag-expire sa 2023 at 568 MW pa sa 2024. Mayroong 1,511 MWs na ancillary services ang nag-expire noong 2020.

“Hindi dapat nagpapabaya ang NGCP sa tungkulin nito na pag-kontrata ng ancillary services para masiguro natin ang tuluy-tuloy na suplay ng enerhiya at maiwasan ang perwisyo na dulot ng palagiang brownout sa ating mga mamamayan,” dagdag nya.

Samantala, nauna nang binalaan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang NGCP dahil sa kabiguan na matugunan ang tungkulin nito bilang system operator.

“Hinihikayat ko ang ERC na patuloy na bantayan ang mga may pananagutan na gampanan ang kanilang tungkulin upang tiyaking may sapat na suplay ng kuryente sa buong bansa,” pagtatapos ni Gatchalian.

Photo Credit: National Grid Corporation of the Philippines website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila