Tuesday, November 26, 2024

Gatchalian Umapela Sa Proteksyon Ng PUVs, Pasahero

6

Gatchalian Umapela Sa Proteksyon Ng PUVs, Pasahero

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, iminungkahi ni Senador Win Gatchalian ang pagpapatupad ng energy subsidy program na naglalayong magbigay suporta sa sektor ng pampublikong transportasyon laban sa pag-akyat ng halaga ng langis at posibilidad na pagtaas ng pamasahe.

Alinsunod ito sa pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na asahan na ang dagdag pasahe ngayong buwan, dahil sa petisyon ng mga grupo ng jeepney drivers dahil sa pagtaas presyo ng langis sa world market.

Kasabay ng mga jeep, nakahain din ang mga petisyon ng bus operators, UV Express, at Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Ang iminumungkahi ng senador na energy subsidy program ay sumasailalim sa Senate Bill No. 384 na naglalayong gawing institutionalized ang “Pantawid Pasada” program na sumusuporta nang direkta sa sektor ng pamamasada sa pamamagitan ng fuel subsidies.

“Hindi natin dapat pahintulutan ang mataas na presyo ng langis na lalo pang makaapekto sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.”

“Umaasa tayo na ang energy subsidy program ay magbibigay ng sapat na proteksyon para sa sektor ng transportasyon at sa mga pasahero,” ani Gatchalian.

Dagdag pa niya, mainam din na magbuo ng sistema para sa proteksyon ng mga driver at operator laban sa malakihang paggalaw ng presyo lalo na at patuloy ang giyera ng Ukraine at Russia.

Nasasaad sa nabanggit na panukalang batas na ang subsidiya ay maaari nang ibigay kung ang average na presyo ng krudo mula Dubai ay katumbas o higit pa sa $80 kada bariles sa loob ng tatlong buwan. 

Nitong Marso, ang presyo ng Dubai crude ay tumaas sa halagang $120 kada bariles at naitala naman nitong Agosto sa mataas na halaga pa rin na $96.51. 

“Ang pagtaas ng presyo ng langis ay palaging may masamang epekto sa ating ekonomiya. Sa sektor ng pampublikong sasakyan, ang anumang pagtaas ng langis ay kumakain sa pang-araw-araw na kita ng ating mga tsuper.”

“Kung hindi tayo gagawa ng programa na magpoprotekta sa kanila mula sa pabago-bagong mataas na presyo, ang kabuhayan ng ating mga PUV driver ay patuloy na nanganganib,” pahayag ng mambabatas.

Ayon sa panukala ni Gatchalian, ang subsidiya ay mainam na ipamahagi sa pamamagitan ng digital payment system para sa kaginhawaan ng mga driver. 

Dagdag pa niya, ang mga opisyal na hindi makakasunod sa tamang oras paglabas ng energy subsidy ay nararapat na patawan ng parusa.

Photo credit: Facebook/WinGatchalian74

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila