Monday, November 25, 2024

Gigil Na! Taguig City Hindi Patas Lumaban Ayon Kay Makati Mayor Binay

6

Gigil Na! Taguig City Hindi Patas Lumaban Ayon Kay Makati Mayor Binay

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binatikos ni Makati City Mayor Abby Binay ang tangkang pagpapatigil ng Taguig City sa kanyang kampo na mamigay ng school supplies sa public school students na nakatira sa 10 barangay na inilipat sa Taguig. 

Ngayon may last minute attempt pa kayong ipatigil ang distribution. Akala ko ba kapakanan ng mga bata ang importante?,” pahayag ni Binay sa kanyang social media page.

Ito ay matapos niyang ianunsyo na nakakuha ang Makati ng approval galing kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte na mamigay ng school supplies sa mga apektadong barangay.

Maraming salamat, VP Sara. Pwede ng ipamigay ang school supplies sa LAHAT (45,000) na estudyante sa 14 na eskwelahan sa embo. Umpisa na po ang bigayan bukas para naman maganda ang unang araw sa eskwela ng ating mga anak,” aniya.

Pinaratangan din ni Binay ang Taguig na na hindi patas lumaban, kaya aniya ay siniguro ng Makati na may written authority ito sa pamimigay ng school supplies. 

“Namigay nga kayo ng walang written authority, wala kayong narinig sa amin. Pinapasok kayo sa loob ng eskwelahan at namigay ng inyong mga gamit ng walang problema,” sumbat ni Binay sa Taguig.

Noong Martes, nagsimulang mamigay ng school packages ang Taguig sa lahat ng pampublikong paaralan ng mga mag-aaral ng lungsod, kabilang ang mula sa 10 “enlisted men’s barrios” (EMBOs) na ang hurisdiksyon ay iniutos na ilipat mula sa Makati City ng Korte Suprema noong nakaraang taon.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila