Sunday, January 12, 2025

Gigil Yarn? Mababang Enrollment Ng Domestic Workers Sa Social Services Pinainit Ang Ulo Ni Sen. Tulfo

6

Gigil Yarn? Mababang Enrollment Ng Domestic Workers Sa Social Services Pinainit Ang Ulo Ni Sen. Tulfo

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Matinding binatikos ni Senador Raffy Tulfo ang napakababang compliance ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG para sa coverage ng mga kasambahay.

Ang kanyang puna ay kasunod ng mga ulat na nagpapakita na ang karamihan sa mga kasambahay ay nananatiling hindi kasama sa mga mahahalagang social services sa ilalaim ng mga nasabing ahensya.

Ayon sa joint survey na isinagawa noong 2019 ng Philippine Statistics Authority at ng Department of Labor and Employment, may humigit-kumulang 1.4 milyong rehistradong domestic worker sa Pilipinas. Gayunpaman, ang nakababahala na katotohanan ay maliit na bahagi lamang ng mga manggagawang ito ang naka-enrol sa SSS, PhilHealth, o Pag-IBIG.

Sa 1.4 milyong kasambahay, 84,190 lamang ang nairehistro ng kanilang mga employer sa SSS, na kumakatawan sa 6% na compliance rate. Hindi nalalayo rito ang PhilHealth, kung saan 74,858 na kasambahay, o 5% lamang ang nairehistro ng kanilang mga amo. Mas malungkot ang sitwasyon para sa Pag-IBIG, kung saan 51,579 na kasambahay, o 3.4% lamang , ang na-enroll ng kanilang mga amo.

Ang napakababang compliance na ito ang kinainit ng ulo ni Tulfo, na vice chairperson din ng Senate Committee on Labor. Aniya, hindi sapat ang ginagawa ng mga ahensyang ito upang matiyak na natutupad ng mga employer ang kanilang mga obligasyon na magparehistro at magbayad ng mga kontribusyon para sa kanilang mga kasambahay.

Hindi rin nakaligtas ang mga barangay sa pagkadismaya ng mambabatas, nanggalaiti rin si Tulfo dahil sa kabiguan ng mga ito na ipatupad ang sistema ng pagpaparehistro para sa mga kasambahay, kahit alam nila na ang ilang mga employer ay masyadong abala upang i-enroll ang kanilang kasambahay para sa nasabing coverage o sadyang iniiwasan gawin ito upang maiwasan ang mga pagbabayad.

Kinuwestiyon ni Tulfo kung bakit aktibo ang mga opisyal ng barangay mag bahay-bahay noong panahon ng halalan ngunit hindi nagawang mag-door-door upang magsurvey sa mga household na may mga kasambahay at matiyak ang pagpapatupad ng Batas Kasambahay.

Sa ilalim ng “Domestic Workers Act” o “Batas Kasambahay,” inaatasan ang mga employer na irehistro ang kanilang mga domestic worker sa barangay kung saan sila nakatira. Ang Punong Barangay ay may pananagutan sa pagpapanatili ng rehistro ng kasambahay sa loob ng kanilang nasasakupan.

Bukod dito, inirekomenda rin ni Tulfo na tanggalin ang qualified theft na parusa sa pagnanakaw para sa mga kasambahay, na ginagamit ng mga employer para paginitan at idiin sila sa kasalanang di nila ginawa.

Sa ilang mga kaso, sinabi niya na ang mga employer ay tinataniman pa ng mga ebidensya ang kasambahay para madiin sa kasalanang hindi nito ginawa, halimbawa ay pagnanakaw. Pagtapos ay isusumbong ito sa pulisya para ipakulong ng walang kalaban-laban.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila