Wednesday, January 8, 2025

GO NA SI GUO? Mayor Alice Posibleng Sumipot Na Sa Senado

1272

GO NA SI GUO? Mayor Alice Posibleng Sumipot Na Sa Senado

1272

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Posibleng humarap na sa Senado si suspended Bamban, Tarlac City Mayor Alice Guo sa matapos mapatawan ng contempt dahil sa hindi pagdalo sa mga hearing tungkol sa kanyang tunay na pagkatao at sa relasyon niya sa isang illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

“Pipilitin niya. […] Mag-contemplate raw siya sa kanyang options,” pahayag ng legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David sa isang panayam ng Radyo 630.

Giit niya, hindi maaring magtago habang buhay si Guo sa kabila ng mga kakaharapin niyang kaso. Ani David, sinabi niya kay Guo na mas maliliwanagan ang taumbayan kung magpapakita na siya sa Senado.

“Syempre ang advice natin sa kanya, kasi hindi ka naman pwedeng magtago habang buhay ‘di ba? Remember, senate warrant of arrest ito [kaya] hindi naman ito para parusahan ka. Kaya ka may subpoena para ma-testify or maging resource person ka sa Senate dahil may mga gusto silang itanong sa’yo na ikaw ang nakakaalam.

Sa kabila nito, sinabi ni David na nakikita niyang takot si Guo sa posibleng mangyari sa kanya dahil sa mga isyu lalo na’t nakakatanggap na siya umano ng mga pagbabanta na nagdudulot sa kanya ng matinding trauma.

“In fact nasense ko personally [ay] natatakot siya. Marami kasing nanakot sa kanya [at] maraming threats so natatakot siya sa security niya at sa kung anong pwedeng mangyari kung makulong siya.”

Dahil dito, ipinaliwanag umano ni David kay Guo na ang trauma na ito ay hindi pa rin sapat na dahilan upang patuloy niyang iwasan ang Senate hearing.

“Hindi ko pwedeng saklawan yung emotional baggage ng isang tao. Ang kaya ko lang ipaliwanag sa kanya [ay] yung mga consequences. […] Dapat talaga siya umattend.

Ang pahayag na ito ng legal counsel ni Guo ay sumusuporta sa naunang pahayag ni Sen. Win Gatchalian ng sabihin niyang pagsuko sa awtoridad ang natitirang solusyon ng suspended Bamban mayor upang malaman kung may sala siya o wala.

“Pwede naman siyang mag-voluntarily surrender sa mga awtoridad. Ito ay magbibigay sa kanya ng pagkakataon na ilabas yung kanyang panig at masabi niya yung kanyang nalalaman. Ang importante dito nirerespesto natin ang batas. Lalo na siya, bilang dating elected official, dapat respetuhin yung pagpapatupad ng batas,” saad ni Gatchalian.

Maalalang naghain na ang Senado ng arrest warrant para kay Guo at sa pitong nauugnay sa illegal activities sa POGO sa Tarlac tulad ng human trafficking, serious illegal detention, at physical abuse.

Photo credit: Philippine News Agency official website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila