Sunday, December 22, 2024

GOLDEN EPAL?

1845

GOLDEN EPAL?

1845

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dear Politico,

Ang saya-saya talaga nang nanalo si Carlos Yulo sa Olympics, hindi lang isa kundi dalawang gold medals pa sa men’s gymnastics. Grabe ang dami ng bumati sa social media, mula sa mga simpleng Pinoy hanggang sa mga sikat na personalidad. Lahat, hindi pinalampas ang pagkakataong batiin si Caloy.

Syempre, hindi rin nagpahuli ang mga pulitiko. Aba, mas malaki pa nga mukha nila kaysa kay Yulo sa mga congratulatory art cards nila sa social media. Classic na epal moves, ‘di ba?

As expected, sumakay agad ang mga politiko sa tagumpay ni Caloy. Parang may pattern na nga, ‘di ba? Tuwing may Pinoy na nananalo sa international stage, agad silang nakikisawsaw. Parang sila ‘yung nag-train kay Caloy.

Nakakatawa kasi halos magmukhang campaign materials na yung mga social media post nila, ang laki ng mukha nila.  Imbes na si Caloy ang bida, nagiging extension pa ng political branding nila.

Hindi ba dapat si Caloy ang bida dito? Siya ‘yung nag-training ng husto, ‘yung nag-sakripisyo para sa bansa. Tapos tayo, mas nakikita natin ‘yung mukha ng mga pulitiko? Ang sakit!

Sana naman, bigyan natin ng tamang pagkilala ‘yung mga atleta natin. Sana sa susunod, mas makita natin ‘yung mukha ng mga tunay na bayani, hindi ‘yung mga pulitikong feeling close.

Naiirita,

Michael Bautista 

Photo credit: Facebook/neutron.morris

 

Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph’s management and staff.

Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang sa DEAR POLITICO! PM ka lang sa aming FB page.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila